Chapter 9 - Lauren POV

1418 Words
Napakunot ang noo ko ng may ibigay s’ya sa aking papel kesa tanggapin ang kamay ko. Ang awkward naman kasi ng tanong ko sa kanya at para bang sobrang interesado ko sa kanya. Ayokong isipin n’yang may gusto ako sa kanya dahil hindi mangyayari ‘yon. I will never fall in love with someone. Love is not for me. “I know you,” sabi n’ya lang sa akin. “Ano ‘to?” tanong ko sa kanya at itinaas ang papel na binigay n’ya sa akin. “You will be my partner for our project,” sabi n’ya sa akin. “Bakit ako?” tanong ko sa kanya. “You want to know me, right? So be my partner,” sabi n’ya sa akin at iniwan na ako dito na nakatulala. Hindi ko na s’ya maintindihan pero kesa magreklamo ako ay tinanggap ko na lang. Mas mainam na ‘to dahil mas mapapalapit ako sa kanya at magagawa ko ang plano ko. “Lauren!” tawag ni Argus sa akin at inakbayan ako kaya naman inalis ko agad ang pagkakaakbay n’ya sa akin. Argus Eiden Illustre, well-known for his charisma and for being a playboy. Kung si Thaddeus coldhearted ito naman si Argus lahat na ata ng babae naikama. “Tigilan mo ako Argus,” sabi ko agad sa kanya. “Wala naman akong ginagawa,” sabi n’ya sa akin. “Wala nga pero iniisip ng mga tao manliligaw kita,” sabi ko sa kanya saka s’ya inirapan. “Ayaw mo no’n ikaw ang unang babaeng niligawan ko,” sabi n’ya sa akin. “Ewan ko sa’yo,” sabi ko na lang sa kanya at nilayuan na s’ya. “Join us Lauren, we will hang out later. Phoebe will also join us, have some fun for a while!” sabi n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. Wala akong oras sa kalokohan ni Argus sa totoo lang. “I’ll join them later Lauren and loosen up a bit, alam kong stress ka kaya sumama ka na.” sabi ni Phoebe sa akin. “Thaddeus you will come right?” tanong ni Ares kay Thaddeus na kakadating lang. “Yes,” tipid na sagot nito. Lumingon ako kay Phoebe at tumango sa kanya. “Okay, sasama na ako mamaya.” Sabi ko sa kanya. “All settled then!” sabi naman ni Argus at muling umakbay sa akin kaya inirapan ko s’ya. If I want to succeed, I better move. Three months is a short period of time for my plan. Mahirap hulaan ang tumatakbo sa isip ni Thaddeus. Lumingon s’ya sa akin kaya alanganin na ngumiti lang ako sa kanya. “I’m really curious kung anong meron kay Thaddeus,” bulong ni Phoebe sa akin kaya nilingon ko s’ya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang s’ya. Sabay na kaming umalis ni Phoebe at sa akin na s’ya sumakay dahil wala naman s’yang dalang sasakyan. Bago kami pumunta sa sinasabi ni Argus ay dumaan muna ako sa unit ko para magpalit ng damit at ganon na rin si Phoebe. “Lauren where are you?” Natigilan kami ni Phoebe sa pag-aayos ng marinig namin ang boses Abby. “Your evil half-sister is here again,” sabi ni Phoebe sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako. “I’m here Abby,” sabi ko sa kanya at hinarap ko s’ya. “Where are you going?” tanong n’ya sa akin at ng makita n’ya si Phoebe ay tumaas agad ang kilay n’ya. “May pupuntahan lang kami ni Phoebe,” sabi ko sa kanya. “Can you leave us alone for a while,” sabi ni Abby dito. Nakita ko naman ang pag-irap ni Phoebe sa kapatid ko at talagang hindi sila magkasundong dalawa. “Mauna na lang ako sa’yo Lauren but please pumunta ka, we are expecting you to come.” Sabi n’ya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya at hinarap ko na si Abby. “Anong kailangan mo sa akin Abby?” tanong ko sa kanya. “I heard that Thaddeus is with his friends tonight and I want you to go there,” sabi n’ya sa akin. “Why Abby?” tanong ko sa kanya. Pinanlakihan n’ya ako ng mata at hinawakan n’ya ako sa magkabila kong balikat. “I told you to help me get him, this is your chance to do that. I’m sure you can do it Lauren,” sabi n’ya sa akin. “Abby nag-usap na tayo kanina diba. I told you nagagawa ako ng paraan, h’wag mo naman akong pangunahan dahil kung ganyan lang din naman ang gagawin mo edi sana ikaw na lang ang sumira sa kanila. I’m trying my best to do what you want Abby, so please let me do what I can!” mariing sabi ko sa kanya at napagtaasan ko na s’ya ng boses. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil kanina pa n’ya ako kinukulit. Gagawin ko naman ang gusto n’ya pero sana hayaan n’ya akong kumilos. “I’m just so desperate to be with him, ayokong matuloy ang kasal nila dahil hindi ko kaya. Sooner or later my tummy will get bigger, and dad will disown me. Mawawala sa akin ang lahat,” frustrated na sabi n’ya. “That’s why I’m here to help you, ako ‘yung gagawa ng bagay na hindi mo kayang gawin.” Sabi ko sa kanya dahil ganon naman lagi. “Abby, I need to go and please let me handle this,” sabi ko na lang sa kanya at iniwan na s’ya do’n sa loob ng unit ko. I went straight to Tobias’s bar to meet them. Mas mainam na sigurong mag unwind ako ngayon dahil sobrang stress na talaga ako. “Mas lalo ka pa atang na stress,” sabi ni Phoebe sa akin ng lumapit ako sa kanila. “I need a drink,” sabi ko sa kanya. “Lauren in the house!” sabi naman ni Argus at inabutan ako ng alak. Tinanggap ko ‘yon at mabilis na ininom. I really need this tonight, ayoko munang isipin si Abby o kahit na ang plano tungkol kay Thaddeus. I just want to loosen up a bit. Alam kong kaya ako nandito ay dahil kailangan kong gawin ang plano ko pero ayoko muna. Stress na talaga ako at baka kapag hindi ko nailabas ‘tong stress na ‘to sumabog na lang ako. “Dahan-dahan lang,” sabi ni Phoebe sa akin. “I need this Phoebe,” sabi ko sa kanya at ngumiti. We all have some fun and I don’t care what will happen. I keep on drinking, talking, and partying with them. “Where is Phoebe?” tanong ko kay Argus. “She’s with Tobias, don’t worry about her.” Sabi n’ya sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Your drunk already Lauren,” bulong ni Argus sa akin. “I’m good Argus, nakakausap pa kita ng matino!” sabi ko sa kanya at napailing na lang s’ya. “I’ll leave you for a while and don’t go out,” sabi n’ya sa akin at tumango ako. “Thaddeus, watch her for me.” Sabi pa nito sa taong kasama namin saka umalis. I forgot that Thaddeus is with us. Sabagay kailangan ko lang naman pansinin si Thaddeus dahil sa hiling ng kapatid ko. “You should stop drinking,” sabi n’ya sa akin at pinigilan akong uminom. “I’m good, where is your fiancée?” tanong ko sa kanya. “She’s not here and stop that. You’re not good at pretending to be strong Lauren,” sabi n’ya sa akin at nilapitan ako. “I’m not pretending and why do you care?” tanong ko sa kanya saka s’ya pinagtaasan ng kilay. Sa totoo lang madami na nga talaga akong nainom pero kaya ko pa naman at alam ko pa ang ginagawa ko. Hindi ko s’ya pinansin at uminom pa rin ako at ng makaramdam ako ng init sa katawan ay tumayo na ako. I need to go home. I was about to went out to look for Phoebe ng bigla naman akong matalisod at expected ko ng sa lapag ang bagsak ng mukha ko kaya napapikit na lang ako pero natigilan ako ng may kamay na humawak sa bewang ko at napadilat bigla ako. Nasa bewang ko ang mga kamay ni Thaddeus at ang mas kinabigla ko pa ay ang paglapat ng labi n’ya sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD