“Bakit problemado ka?” tanong ni Phoebe sa akin ng makita n’ya ako dito sa cafeteria.
“Madami lang akong iniisip,” sagot ko sa kanya kaya pinagtaasan n’ya ako ng kilay.
“Is this about your half-sister?” tanong n’ya sa akin kaya napabuntong-hininga ako.
Phoebe Anderson is my best friend since freshman year, alam n’ya na magkapatid kami ni Abby at s’ya lang ang taong kaya kong pagkatiwalaan ng sekreto ko na ‘yon.
“Stress lang ako dahil may kailangan akong gawin,” sabi ko sa kanya.
“Ano na naman bang kailangan mong gawin para pagtakpan ang kalokohan ng kapatid mo?” tanong n’ya sa akin at ngumiti na lang ako.
Ayokong madamay pa si Phoebe sa gagawin ko, kung may gagawin akong kasalanan hindi na dapat s’ya damay pa do’n.
“Wala,” sagot ko sa kanya.
“Hindi ako naniniwala sa’yo Lauren. Sa istura mo na ‘yan mukhang malaking bagay ang hinihingi ng half-sister mo sa’yo,” sabi n’ya sa akin at tama naman s’ya do’n.
“What do you think about Thaddeus?” tanong ko sa kanya.
“Anong meron sa coldhearted guy na ‘yon?” tanong n’ya sa akin.
“I heard he is getting married,” sabi ko sa kanya.
“Oo nga kaya madaming nagulat at madami rin gustong pumigil sa kasal,” sabi n’ya saka tumawa. “Of all people ‘yung tao pang hindi mo iisipin na magpapakasal ang mauunang ikakasal, saka wala naman sa itsura ni Thaddeus ang may girlfriend kaya madaming nagulat at sa dami ng may gusto sa kanya kahit na masungit s’ya madami rin ang humihiling na hindi matuloy ang kasal,” sabi n’ya sa akin.
Kung alam n’ya lang, isa ako sa gustong pumigil sa kasal na ‘yon.
“He seems to be a nice guy,” sabi ko sa kanya.
“He is actually, pero masungit lang talaga.” Sabi n’ya sa akin kaya napatango ako.
“Do you think seryoso talaga s’ya sa kasal na ‘yon? what if may nabuntis pala s’yang iba, do you think itutuloy n’ya pa rin ‘yung kasal?” tanong ko sa kanya.
Kumunot na ang noo n’ya at saka ako pinagtaasan ng kilay. “Lauren why are you interested about Thaddeus?” tanong n’ya sa akin kaya napaayos ako ng upo.
“Curious lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Curious nga lang ba o higit pa do’n?” tanong n’ya.
“Don’t mind my question,” sabi ko na lang sa kanya.
Kung madami naman palang gustong pumigil sa kasal ni Thaddeus edi hindi na ako mapaghihinalaan na ako mismo ang sisira ng kasal n’ya. No one will know not unless mahuli ako.
Kung hindi ko kasi madaan sa pakiusapan baka ikulong ko na lang s’ya o kaya naman patulugin buong araw para hindi s’ya maka-attend sa kasal n’ya. Iyon na lang kasi ang naisip ko na pwedeng gawin kung hindi naman kami magiging close na dalawa para maiuntog s’ya at magbago ang isip.
“Lauren!” tawag ni Abby sa akin ng makita n’ya ako.
“The devil is here,” bulong ni Phoebe sa akin kaya siniko ko s’ya.
“Abby, do you need anything?” tanong ko sa kanya.
“Come with me,” sabi n’ya sa akin at hinila ako.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Phoebe dahil sa ginawa ni Abby. Dinala n’ya ako sa may likod ng cafeteria kung saan walang masyadong tao.
“What do you need?” tanong ko sa kanya.
“The wedding will happen in three months,” balita n’ya sa akin. I have three months to do my plan.
“I’ll try my best Abby but if things will not work let just proceed to what I suggest to you please,” sabi ko sa kanya.
“You will ruin them Lauren, no matter what happened you will stop their wedding for me!” mariing sabi n’ya sa akin.
“I’m still trying my best to be close with him, hindi naman pwedeng basta na lang akong umeksena sa buhay nila.” Sabi ko sa kanya.
“Just do anything, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya.” Sabi n’ya sa akin.
Parang napakadali naman ng gusto n’yang gawin ko, “Abby just let me do what I can.” Sabi ko sa kanya.
“Ano ba kasing plano mo?” tanong n’ya sa akin.
“I’ll talk to him,” sabi ko sa kanya. “Lauren walang mangyayari kung kakausapin mo lang s’ya. Mas lalo lang n’yang pipiliin na magpakasal kesa piliin ang anak namin. You can’t convince him, hindi s’ya tanga!” sabi n’ya sa akin.
Alam ko naman na hindi tanga si Thaddeus kaya nga siguro gusto n’yang magpakasal. “What do you want me to do kung ayaw mong kausapin ko s’ya?” tanong ko sa kanya.
“Do you know how your mother ruined dad and mom relationship? Why not do it as well, I’m sure the wedding will be cancelled in no time if you do that. After you do that, I can comfort Thaddeus and be with him,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
“Abby I won’t! just let me do what I can,” sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya.
Hindi ako makapaniwala na gusto n’yang gawin ko ang ginawa ng ina ko sa ibang tao. I see how devasted her mother was when that happened. Ramdam ko pa rin iyong sakit na pinagdaanan ng nanay ko dahil sa pagkakamaling ginawa n’ya at ayokong manyari sa akin ‘yon.
Naglakad na lang ako pabalik sa loob ng cafeteria kung saan naabutan ko pa rin do’n si Phoebe na iniintay ako.
“Mukhang malaking bagay talaga ang hinihingi ng kapatid mo sa’yo,” sabi n’ya sa akin at tinapik ang balikat ko.
“I can do this,” sabi ko sa kanya.
“Bakit ba kasi kailangan mong magbayad ng utang ng loob sa kanya? Hindi mo kasalanan ang ginawa ng magulang mo Lauren. Kasalanan ng daddy at nanay mo ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
“She’s nice Phoebe, s’ya ‘yung dahilan kaya nandito ako ngayon.” Sabi ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang s’ya at umiling. Sabay na kaming tumayo para pumunta sa mga klase namin dahil my last period pa kami ngayon.
Naghiwalay na kaming dalawa at pumasok na ako sa klase ko kung saan naabutan kong walang ibang tao sa loob ng room kung hindi ang taong kailangan kong saktan.
Sa tuwing nakikita ko ngayon si Thaddeus nakukunsensya na agad ako kahit wala pa akong ginagawa.
“Were classmate?” tanong ko sa kanya at umupos sa pwesto ko.
“Yes, it’s been three months Lauren.” Sabi n’ya sa akin kaya natawa ako.
I have no idea, wala naman kasi akong pakielam sa paligid ko.
“Sorry, wala akong ideya na kaklase pala kita for the past three months.” Sabi ko sa kanya.
“I know, you didn’t dare to look at your back when you’re in class. Wala ka naman pinapansin,” sabi n’ya sa akin.
“Nagsalita ang hindi masungit,” sabi ko sa kanya kaya natawa s’ya ng bahagya. “You laugh!” sabi ko na para bang bata sa harap n’ya.
“I’m a human being, of course I can laugh.” Sabi n’ya sa akin.
“I mean, you’re a coldhearted guy, masungit at tahimik. Madami n’yang hindi makapaniwala na ikakasal ka na,” sabi ko sa kanya.
“I’m a private person. Ayokong pinag-uusapan ang buhay ko ng ibang tao at ayoko rin na may ibang taong nakikielam sa buhay ko,” sabi n’ya sa akin.
“Yet we are having a conversation regarding your life,” sabi ko sa kanya.
“You don’t know anything about me, aside from my wedding and what we talked about the other night.” He said and he has a point.
“Can I know you more?” tanong ko sa kanya.
I’m desperate to have a conversation with him and to help my sister. So, bear with me.
“Amira Lauren Alfaro,” sabi ko sa kanya at inilahad ang kamay ko.