Chapter 7 - Lauren POV

1081 Words
Pinili kong tumambay may rooftop kung saan may mini garden para magpahangin. Medyo late na at wala naman tao dito kaya masarap tumambay dito lalo ngayon na madami akong iniisip. Kailangan kong mapalapit kay Thaddeus para makumbinse s’ya na hindi ituloy ang kasal, ayoko naman kasing umabot ako sa punto na makagawa ako ng isang bagay na mas lalo kong pagsisisihan sa huli. Ang tanging naiisip ko lang talagang paraan ay makumbinsi si Thaddeus na hindi ituloy ang kasal. Kahit anong pwedeng sabihin sa kanya gagawin ko magbago lang ang isip n’ya. Thaddeus Gavin Enriquez is a well-known varsity player at bukod do’n tagapagmana rin s’ya ng negosyo nila. Kung mayaman ang ama ko, mas mayaman sila Thaddeus. Dad will like him for Abby, kailangan lang talagang magkatuluyan silang dalawa. Base naman sa kwento ni Abby sa akin, nauna s’ya sa buhay ni Thaddeus bago pa ang babaeng papakasalan nito. Hindi ko rin alam kung anong nakita ni Abby sa kanya at nagkaroon sila ng relasyon pero hindi ko na kailangan pang malaman ‘yon dahil ang kailangan ko lang gawin ay masira ang kasal nila. Ipinagdarasal ko lang na sana maging masaya ang kapatid ko sa gagawin ko. Ayokong gawin ang pagkakamali na ginawa ng nanay ko kaya gagawa na lang ako ng ibang paraan. “What are you doing here?” napalingon ako sa nagtanong at natigilan ako ng makita kung sino ‘yon. “Thaddeus,” sambit ko sa pangalan n’ya at napaatras. “Careful,” sabi n’ya sa akin at inalalayan ako. Muntik na kasi akong mahulog dahil sa pag-atras ko. Hawak n’ya ang mga braso ko at nakatingin lang ako sa kanya. Ang lapit namin sa isa’t-isa ngayon, his scent is so addicting at bago pa ko mawala sa sarili ko ay agad akong kumawala sa hawak n’ya. “Thank you,” sabi ko sa kanya. “Do you often go here?” tanong ko sa kanya. I just want to start a conversation with him, to know him more. Ayoko naman na bigla s’yang sabihan na h’wag magpakasal ng hindi naman kami close na dalawa. Baka isipin n’ya pa ay nababaliw na ako, pero mukang malapit na nga akong mabaliw dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gustong mangyari ni Abby. “I’m sorry if you feel uncomfortable with me,” sabi ko sa kanya ng hindi n’ya sagutin ang tanong ko kaya naman naghanda na akong umalis. “How was your knee?” he asked instead. I look at him with surprise in my face. “Okay lang, galos lang naman ‘yon saka malayo sa bituka.” Sabi ko sa kanya. He still remembered that I got hurt because of their fans. “I’m surprise that you still remember what happened to me that day,” sabi ko sa kanya. “Argus is your suitor,” sabi n’ya sa akin kaya hinarap ko s’ya. “He’s not, magkaibigan lang kami no’n or more likely enemy.” Sabi ko sa kanya at bahagyang natawa. “Paano mo nasabi na manliligaw ko si Argus?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang s’ya at tumingin sa akin kaya napataas ako ng kilay ko. “Hindi ka talaga mahilig magsalita,” sabi ko sa kanya. At ako naman na hindi ganito kadaldal nagiging madaldal para lang makausap s’ya at makagawa ng paraan para pigilan ang kasal n’ya. “I don’t have anything to say,” sabi n’ya sa akin. Gusto ko na lang magwala sa inis dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Alam ko naman na tahimik s’ya at masungit pero hindi ko naman inaasahan na totoo pala ang sinasabi nila pero kahit na ganon, madami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. “I better go,” sabi ko na lang sa kanya. “Why?” tanong n’ya sa akin. “Mukha naman kasing istorbo lang ako sa’yo saka ayoko naman isipin mo na feeling close ako dahil tanong ako ng tanong sa’yo,” sabi ko sa kanya. “I’m listening though,” sabi n’ya sa akin. “I heard your getting married,” sabi ko sa kanya. I better open that topic para naman may malaman ako. “I do,” simpleng sagot n’ya sa akin. “Do you love her?” tanong ko. “What do you think?” tanong n’ya sa akin. “Maybe, hindi mo naman siguro papakasalan kung hindi mo mahal.” Sabi ko sa kanya. “Then why are you asking?” tanong n’ya sa akin. “I’m just curious. The mighty Thaddeus is getting married after he graduate,” sabi ko sa kanya. “There’s nothing wrong with getting married after I graduate,” sabi n’ya sa akin. “Wala naman akong sinabing mali, hindi lang kasi halata sa’yo na gusto mo ng magpakasal.” Sabi ko sa kanya. “I’m not that expressive but I want to have a family with the person I love,” sabi n’ya sa akin at bahagya akong natigilan dahil sa sinabi n’ya na ‘yon. “So, it’s not an arrange marriage after all,” sabi ko at ngumiti sa kanya. “If it is an arrange marriage, I won’t agree with that. I don’t want to be with the person I don’t love,” sabi n’ya sa akin. “You believe in love,” sabi ko sa kanya. Bihira lang kasi ‘yong lalaki na kilala ko na naniniwala pa rin sa pag-ibig. “I do,” sagot n’ya sa akin kaya napatango ako. “It’s nice talking to you, you’re not that bad after all.” Sabi ko sa kanya at umayos na ng tayo para umalis. “Thanks for the company, Lauren.” Sabi n’ya sa akin at nauna pa s’yang umalis sa akin. Tiningnan ko lang s’ya habang papalayo s’ya sa akin. He’s not that bad after all, but my problem is how can I do my plan after our conversation. Kung sana arrange marriage lang edi madali na lang ‘yon pero mahal n’ya ang papakasalan n’ya. Dapat bang si Abby na lang ang kausapin ko? Kesa malinawan ako mukhang mas lalo lang gumulo ang isip ko at mukhang kailangan ko pang mag-isip ng ibang paraan na hindi ko gagawin ang ginawa ng nanay ko. I don’t want to use my body to ruin someone’s happiness. Ayoko naman talagang sirain sila pero ayoko rin na mawala si Abby. It’s between saving my sister’s life and their happiness. I’m really torn in between.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD