Marco-8

928 Words
"Salamat Che. Ikaw na muna ang bahalang magsabi sa kanila na sa Biyernes pa ako babalik ng Maynila," sabi niya sa assistant niya nang tawagan ito. Sinabi niyang nasa bakasyon pa siya. Hindi lang niya binanggit kung nasaan siya. Lalo na kung sino ang kasama niya. Siguradong maghe-headline siya kapag may nakaalam na kasama niya ang panganay na anak ni Mr. Mario Leonardo. Wala rin siyang magawa sa loob ng silid kaya nag-search siya tungkol kay Marco Leonardo. At doon niya nalaman na isa nga itong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Sa tingin niya, nasa kay Marco na ang lahat. Napakagwapo nito. Paniguradong habulin ito ng mga babae. Pero wala pa itong ni minsan na pinakilalang girlfriend. O baka tinatago lang. Bukod sa mayaman at tagapagmana ng maraming negosyo, matalino rin ito. Isa ito sa mga utak ng malalaking negosyo ng pamilya Leonardo. Naisip niya minsan, unfair talaga ang buhay. May mga taong sobra ang swerte. At may mga tulad niya na sobra naman sa malas. Ganoon ang tingin niya sa sarili. Malas. Dahil buong buhay niya, hindi pa siya naging masaya. Puro lungkot at problema lang ang kinahaharap niya. Minsan naiisip niya, baka masamang tao siya sa una niyang buhay. Kaya pinarurusahan siya ngayon ng ganito. Madilim na ang paligid nang bumaba siya. Tumawag siya ng kasambahay pero mukhang wala na ang mga ito. Mukhang mag-isa na lang siya sa malaking bahay na ito. Nasaan na ba si Marco. Gabi na pero wala pa rin ito. Gutom na siya. Almusal lang ang kinain niya kanina. Kaya nagkalkal na lang siya sa ref kung ano ang makakain. Hindi na niya mahihintay pa si Marco. Kung ano na lang ang nakita niya sa loob ng ref, iyon na ang kinain niya. Habang kumakain, sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya. Si Francis ang tumatawag. Nasa Maynila ito ngayon base sa pagkakaalam niya. Marahil nais na naman siyang guluhin. Nagkita pa lang sila ni Hazel kanina. Halos lamunin siya nito ng tingin. Abot langit ang pagkasuklam. Kung insultuhin siya. Hinayaan niya lang na mag-ring ang cellphone. Patuloy siya sa pagkain. Kahit naiirita na sa ingay, binalewala niya ang tawag ni Francis. "Sino ba ang tumatawag? Bakit hindi mo sagutin?" Napapitlag siya. May boses ng lalaki. Napakapit siya sa mesa nang makita si Marco sa pintuan. Kailan pa ito dumating. Bakit hindi niya narinig. Aabutin na sana niya ang cellphone sa mesa nang maunahan siya ni Marco. Napalunok siya. Tiyak na mababasa ni Marco kung sino ang tumatawag. "Tinatawagan ka pa rin pala ni Francis. Bakit? Ang sabi mo wala na kayo?" Matalim na tanong nito. Wala na talaga sila ni Francis. Nagkataon lang na makulit ang lalaking iyon. Habol pa rin ito ng habol sa kanya. "So ibig bang sabihin nito totoo lahat ng sinabi ni Hazel? Na nalalagay sa alanganin ang kasal nila ni Francis dahil sa 'yo!" Mariing akusa nito. Nagulat siya sa galit sa mga mata ni Marco. Alam niyang kaibigan nito si Hazel. Pero ganoon na ba ito ka-concern sa babaeng iyon para magalit sa kanya nang hindi man lang pinakikinggan ang side niya. "Sagutin mo ako, Savannah!" asik pa nito. Sinaklit siya nito sa braso. Nalaglag sa sahig ang hawak niyang kutsara dahil sa gulat. "Marco," sambit niya sa pangalan nito habang namimilipit siya sa sakit. "Sabihin mo sa akin, Savannah. Babae ka ba ni Francis?" Mabalasik na tanong nito. "Hindi," sagot niya. Nanginginig ang boses. Sunod-sunod ang iling ng ulo niya. "Liar," akusa nito. Doon na siya nawalan ng pag-asa na magpaliwanag. Kahit anong sabihin niya, iisipin pa rin nitong nagsisinungaling siya. Sanay na siya sa ganyang eksena. Kaya para saan pa ang paliwanag kung wala namang maniniwala. Buong lakas niyang tinulak si Marco. Nagulat ito at nabitawan siya. Nahablot niya mula rito ang cellphone niya. "Huwag mo na akong tanungin kung hindi ka rin naman maniniwala!" sigaw niya kay Marco at tumakbo palabas ng komedor. Pinagpasalamat niyang hindi siya sinundan ni Marco. Pagdating niya sa silid, doon na siya umiyak. Masakit. Hindi pa man siya lubusang kilala ni Marco, sinungaling na agad ang tingin nito sa kanya. Hindi naman siya sinungaling. Pero bakit walang naniniwala sa kanya. Dahil ba anak siya ng bold star? Ganoon na ba kababa ang tingin ng lahat sa kanya. "Damn it!" mura niya. Kung pwede lang umalis ngayong gabi, gagawin niya. Kung may ibang mapupuntahan lang siya, aalis na siya. Kesa patuloy siyang insultuhin nito. "Savannah. Open the door," boses ni Marco mula sa labas ng pintuan. Ano pa ba ang kailangan nito. Hindi naman ito naniniwala sa kanya. Si Hazel pa rin ang pinaniniwalaan. Dahil hindi naman niya bahay ito, wala siyang nagawa kundi pagbuksan ito. "Bakit?" tanong niya. Hindi niya itinago ang inis sa boses. "Tapusin mo na ang kinakain mo sa ibaba," sabi nito. Bahagya pa siyang nagulat. "Hindi ka raw nag-lunch kanina. Maghapon ka daw hindi bumaba," dagdag nito. "Pagod kasi ako kanina. Gusto kong magpahinga," tugon niya. "Sige na. Bumaba ka na roon. Ituloy mo na ang pagkain mo. Bukas na tayo mag-usap tungkol kay Francis," sabi nito at saka tumalikod. Lumakad na palayo bago pa siya makapagsalita ulit. "Kainis naman. Ano pa ba ang pag-uusapan namin tungkol kay Francis. Eh si Hazel pa rin naman ang paniniwalaan niya kesa sa akin," bulong niya sa sarili. Hindi naman niya alam ang tunay na estado ng relasyon nina Francis at Hazel. Bakit siya ang ginugulo. Bakit ang sarili niyang buhay ang nagugulo. At nahuhusgahan pa ang pagkatao niya. Bakit ba ang liit ng mundo para sa kanilang apat. "Malas talaga ako. Kahit kailan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD