Chapter 5

3585 Words
CHAPTER 5 KAYLA’S POV Pinagalaw niya ang leeg, na maka ramdam ng pananakit at pinag halong pagod. Ilang oras na rin siyang naka tutok sa harapan ng Laptop na tinatapos niya pa rin na gawin at tapusin ang kailangan niya bukas sa meeting. Pinili niya na lang na gawin iyon sa kanyang bahay dahil makakapag focus siya ng husto. Sinandal niya ang likod sa silya para pag pahinggahin ang sarili at tumingin sa labas ng bintana na madilim na nga. Alas otso na pasado ng gabi pero heto’t pus-pusan p rin siyang nag tra-trabaho para wala na siyang isipin at hahabulin para bukas na trabaho. Hindi pa siya kumakain ng hapunan, dahil hindi pa naman siya nagugutom. Hindi na siya siguro mag- hahanda para sa kanyang kakainin ngayong gabi dahil may natabi pa naman siyang ulam sa ref, iinitin niya na lang siguro mamaya kapag naka- ramdam na siya ng gutom. Tumitig na lang siya muli sa harapan ng Laptop, tantya niya hindi pa siya matatapos dahil sa rami ng gagawin at napa ungol na lang siya sa labis na frustration. Dahil nga sumasakit na rin konti ang mata niya na ilang oras ng naka- tutok sa screen buong mag hapon, ipapahingga niya na muna kahit trenta minutos ang isipin para may energy ulit siya para mamaya kapag nag simula na siya. Tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng desk katabi lang ng documento na natapos niya ng basahin, at nang tignan niya iyon samo’t-sari na mga notification at text lang naman. Isa-isa niyang chineck ang mga iyon at ng makita na wala naman na mga importante related sa trabaho at Mail galing sa mga important client. Naka ramdam siya ng lungkot na wala pa rin siyang natanggap na response mula sa kanyang Lolo Fernand, binabasa niya ang pinadala niyang mga text na kahit ni isa hindi man lang ito nag paramdamdam sakanya. Nag iwan lang siya ng text sa Lolo niya at nag browse muna siya sa messenger para tumingin sa mga bagong message. Una kaagad nag pop-out sa pinaka taas ng conversation ang pangalan ni Claudine kaya’t binuksan niya iyon [Kumusta?] [Balitaan niyo na lang ako kapag nagawa niyo na ni Aris ha? 😂] Aba, mukhang excited pa ang babaeng ito kaysa sa akin. Binasa niya ang ibang mga text sakanya ng kaibigan, subalit hindi niya na tinuonan pa ng pansin dahil puro lang iyon pangungulit at kalaswaan na sinasabi. Lalo siyang na s-stress. [Bago ko pala maka-limutan sinend ko na iyong mga files ng videos hihi. Just incase lang naman na gusto mong tignan at pag aralan.] Claudine Iyan ang pinaka dulo at bago na text message sa kanya ni Claudine. Anong video ang pinag sasabi ng loka-loka na ito? Nag scroll pa siya sa pinaka baba ng convo nilang dalawa at nakita niya ang sampung video clip. Hindi lang original na mga video iyon kundi files ng mga porno na sinave neto kahapon. Baliw talagang babaeng ito, sinend pa talaga sa akin? Nakaka-loka! Ilang segundo akong naka titig sa screen ng cellphone ko, ang minuto ng bawat video mag lalampas sampung minuto o kaya naman mas mahaba pa. Ang iba sa mga iyon totoong tao talaga ang gumanap at mayron naman na anime. Aatakehin ata talaga siya ng maaga sa kabaliwan ng kaibigan niya pero kailangan niya rin naman iyon. Kailangan ko ba talaga panuorin ito? Pero hindi siya nanunuod neto. Humingga na lang siya ng malalim, kahit na nga panunuod ng porn natatakot pa siya pano na lang kung actual na nilang gagawin ni Aris, diba? Kumalma ka lang Kayla. Wala naman mawawala sa’yo. Nanunuod ka lang naman, diba? Kahit 5 minutes lang. Pag papasunod niya ng sarili, kahit ayaw at labag niya man na gawin iyon pero kinakailangan dahil wala akong alam sa s*x at kung paano gawin iyon. Pikit-mata pa siya na pinindot ang pinaka unang video file na una niyang nakita, hindi naman talaga siya nanunuod ng ganito at hindi niya keri manuod ng katawan ng naka hubad na ibang tao. Kabadong-kado pa siya nang husto, sa una nakikita niyang mag kausap ang isang babae at lalaki sa video, casual lang naman mga ganun parang pelikula. May scenario at dialogue. Siniguro niya rin naka down ang volume, nakaka- hiya naman kung marinig ng katabi niyang unit na ang isang trenta anyos na single na babae, na gusto at walang alam sa s*x heto’t nanunuod ng porn mag isa. Hanggang lumipas na ang isang minuto ayun na nag halikan na silang dalawa. Titig na titig lang ako sa screen ng phone ko, okay pa naman ang nangyayari dahil makakapanood naman siya ng nag hahalikan sa tv o personal, kaya niyang dalhin iyon. Nag simula ng mag hubad ang nag hahalikan sa screen habang nag hahalikan na napa-takip na siya ng mata. Pakiramdam niya parang torture iyon sakanya. Naging intense na ang halikan ng dalawa at bago pa maihubad ng lalaki ang kasuotan niya nilapag niya ang phone niya sa table, hindi niya na kayang panuorin pa ang sumunod na mangyayari at naka play lang iyon. “Ano ba ang ginagawa kong ito?” Sinapo ko ang mukha ko, hindi ko na kayang panuorin pa iyon muli. Pinag pawisan siya ng mainit sa tagpong pangyayari kung ano man ang napa-nuod niya. Napukaw ang malalim niyang iniisip na may mag doorbell sa pintuan ng unit niya. Sino kaya iyon? Wala naman siyang inaasahan na bisita na darating ngayon. Mabibigat ang paa niya na tumungo sa pintuan para pag buksan at alamin kung sino iyon. “Ye——-“ bago pa mabuo ang sasabihin niya ang naka ngiting si Aris ang sumalubong sa pag bukas niya. May bwisita na naman pala siyang dumating. “Hello babes.” Kumunot na ang noo niya at tila ba’y hindi niya nagustuhan ang pag sulpot netong muli. Alam niya naman na mang-gugulo lang ito sakaya. “Ano na naman ba?” Pag susupla niya kaagad. Wala siyang panahon makipag usap dito. Imbes mainis si Aris sa pag susungit niya, para bang sanay na sanay na ito. “May dala ako babes, na hapunan mo at baka kasi hind ka pa kumakain.” Hindi pa rin naayos ang pag kakunot ng noo niya, naalibadbaran na tumingin kay Aris na suot ang kupas na maong na pantalon. Ang pang itaas naman ang isang sandong itim, kaya’t bakat na bakat ang maganda at maskuladong pangangatawan neto sa puspusan na pag tra-trabaho. Bumaba ang tingin niya sa isang paper-bag na brown, iyong kadalasan na ginagawang supot kapag nag grocery ka. Sumandal siya sa may pinto. “Saging na naman ba iyan?” Hula niya sa bitbit neto. Ano pa nga ba ang bago? Wala naman siyang ibang binibigay sa akin, kundi saging. Araw-araw niya akong binibigyan ng saging, iba’t-ibang sizes at klase pa. Kung naka-tira lang siya malapit sa Baclaran baka nag titinda na siya ng mga saging sa parati netong pagbibigay sakanya. “Mag huhula ka babes? Paano mo nalaman na saging ang dala ko sa’yo ngayon?” Kaasar. “Sige na, umalis kana at marami pa akong gagawin. Isama mo na rin sa pag alis mo iyan na saging na dala mo dahil busog ak——-“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko, nanlaki ang mata ko na dumiretso papasok si Aris sa unit ko. Ako naman, nataranta at hindi alam ang gagawin sa bigla niyang pag pasok na walang pahintulot. “Aris, anong ginagawa mo? Sinabi kong umalis kana at hindi ko kailangan iyan!” Nagsimula na akong mainis sa kanya. “Hindi naman ako makakapayag na hindi mo ito kunin, babes.” Pag giit niya na lang na sumunod na ako sa kanya at pilit siyang pinapaalis. Ang kulit talaga. Nilapag ni Aris ang dala niyang supot sa ibabaw ng table kaya hindi na ako gaanong lumapit sakanya. Nandon lang ako sa living room kung saan malapit sa work station ko. Nababanas at naiinip na talaga akong tinignan siya ng matalim na, gusto ko siyang umalis. Iyon lang at mukhang hindi pa siya nakikinig. Kaya ayaw ko siyang kinakausap lagi, at pinapansin dahil ganiyan ang nangyayari dahil lalo niyang pinag sasamantalahan na makialam at mag bwisit sa akin. Imbes na sumunod si Aris, mukhang ayaw pa nga niyang umalis. Hindi ako naka ligtas sa pag suri niya sa kusina at hindi na maganda ang pinta ng mukha ko. “Mukhang hindi ka pa kumakain.” Pasulyap-sulyap siyang nag obserba sa lababo at kahit na rin sa lamesa “Pakialam mo? Pwede bang umalis kana, at nakaka-istorbo ka lang sa akin.” giit ko na lang muli, kating-kati na umalis na siya. Ano ba ang lalaking ito, hindi pa ba siya aalis o mag pupuna na lang siya kung ano man ang nakikita niya? Humingga na lang ako ng malalim at sinapo ko na ang mukha ko para pakalmahin ang sarili ko. Breath , Kayla. Breath “Ngayon ko kang nalaman na nanonood ka pala babes ng porn?” Ang salita ni Aris ang pag baling ng tingin ko sakanya. Anak nang putchaa. Kinabahan ako nang husto na ngayon nasa work station ko na siya at hawak ang cellphone ko, pinapanuod ang naka play doon na porn na hindi ko natapos panuorin. Paano siya mabilis na naka-rating doon, na kanina lang nasa kusina siya? Uminit na ang pisngi ko sa hiya na ngayon pinakita ni Aris sa akin ang phone ko na naka play pa rin ang video, na may kahulugang ngiti sa kanyang labi. Mabibilis ang hakbang ng paa ko palapit sakaya at mabilis na inagaw ang cellphone, sabay nilayo. “Bakit ka ba, nakikialam ng gamit ko?” “I can’t help it babes, na curious lang ako kung ano ang pinapanuod mo kaya tinignan ko.” Pilyo niyang saad na lalo akong mainis. “You know what? Get out, now!” Singhal ko na lang sa inis at hinawakan sa braso si Aris at tinulak ko na siya palabas ng unit ko. Basta, gusto ko lang siyang umalis. Hindi lang sa inis na naramdaman ko sakanya, kundi rin kung ano ang nakita niya sa cellphone ko. Ginamit ko na ang lakas at pwersa kong tinulak si Aris ng paulit-ulit, na parang wala lang siya sa ginagawa ko. Rinig ko ang munting tawa niya ng mahina, na mangalaiti ako sa inis na pinabigat niya pa ang katawan niya para mahirap sa akin na maitulak siya palabas. “Umalis kana! Alis na sabi.” Bago ko pa maitulak palabas si Aris palabas ng unit ko. Humarap siya sa akin. Mapag larong ngumisi na tinaas ang kamay sa ire na para bang sumusuko na. Ano na naman ba ang paandar ng lalaking ito? “Okay, okay aalis na ako pero may isa akong katanungan.” “Sige, ano iyon?.” Iyon na ang ata ang pinaka maling desisyon na sinabi ko pa iyon. “Bakit ka nanunuod ng porn?” “W-Wala, chineck ko lang.” napa tango-tango pa si Aris ng ulo na para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko na may ngiti sa labi. “At, hindi ko kailangan mag paliwanag sa’yo kung ano man ang guato kong panuorin kaya’t makaka alis kana! Alis na!” “Nakaka sakit naman babes,” pina lumbay niya ang boses na para bang nasaktan ko ang ego niya. Aba, aba! “Bakit ka pa nanunuod no’n na kaya ko naman na gawin iyon sa’yo, babes.” Pilya niyang tinig na manlaki na lang ang mata ko sa sinabi niya. “Aba, napaka bastos mo talaga.” Tinaas ko na ang kamay ko para bigyan siya ng sampal pero bago pa iyon lumapat sa pisngi niya, nanlaki na lang ang mata ko na mahawakan ni Aris ang kamay ko. “Bitawan mo ang kamay ko, Aris ano ba! Isa!” Pag sisimula kong pag bibilang. Imbes bitawan napa- singhap na lang ako na hinatak ako ni Aris palapit kaya’t napa subsob na lang akong dumikit sa katawan niya. Infairness kahit parang ang itsura niya galing sa trabaho, hindi siya dugyot tignan at mabango. Erase. Erase. Ano itong iniisip ko? Hindi pa rin naalis ang matalim at pag babanta kong titig sa kanya na binabawi ang kamay ko ngunit hindi sapat ang lakas ko kumpara sa kanya, na lalo lang akong mangalaiti. “Babes naman, mukhang hindi ka naman naniniwala sa akin. Gusto mo, higitan ko pang galingan kagaya ng pinapanuod mong lalaki diyan sa porn? Magaling pa ako diyan, mag sample na ba ako ngayon sa’yo?” Sumilay ang nakaka- lokong ngisi sa kanyang labi na bigla akong natakot at kinabahan na tutuhanin niya ang sinabi ko. Loko-loko pala ang isang ito eh. “Subukan mong animal ka, at matatamaaan ka talaga sa aki—ummp!” Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na siniil niya ng matamis na halik sa labi para patahimikin. Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong segundo nag kalapat ang labi namin at pakiramdam ko, iyon na ata ang pinaka matagal na sandali na naramdaman ko. Pinutol na mismo ni Aris ang halikan namin at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay kong, hawak niya pa rin. Gulat na gulat pa rin ako at hindi pa rin nag si-sink in sa akin kung ano ang ginawa niya. “Mauna na ako babes, ubusin mo na lang iyong saging na dala ko ha? Bye.” Kumindat siya at ngumiti ng kay tamis, na binitawan niya na ang kamay ko at nag lakad palabas ng unit ko. Tulala ako at hindi makapaniwala na sinundan si Aris ng tingin hanggang mag proseso na sa akin mismo kung ano ang nangyari. “Napaka walang-hiya mo talaga Aris! Bwisit ka, bwisit!” Wala na akong pakialam kung marinig man nila ang malakas na sigaw ko basta gusto ko lang mailabas ang galit at inis ko sakanya. Lalo pa akong nairita na tuloy-tuloy lang nag lakad si Aris na para bang nag bingi-bingihan sa sigaw at pag tawag ko. Iritable na pinunasan ko ang labi ko gamit ng kamay nang paulit-ulit na para bang may naka kapit doon na mikrobyo. STILL KAYLA’S POV Bihis na bihis na siya papuntang Opisina, maaga pa naman pasado alas syete ng umaga kailangan niyang pumasok para hindi maipit sa mahabang traffic. Siniguro niyang naka lock ang pinto, lumingon pa siya sa kaliwa’t-kanan siniguro kung nag aabang na naman ang asungot na Aris na iyon na parating nag bwi-bwisit sakanya. Tila ba’y napanatag naman siya na hindi niya makita ang asunggot na iyon. Mabuti naman. Kada pag uwi niya sa unit niya, isa lang naman ang madalas niyang pinag dadasal ang hindi mag cross ang landas nila lagi dahil pinapakulo ang dugo niya. Sumakay na siya sa Elevator at pinindot niya na ang button hanggang ground floor dahil nandon naka park ang sasakyan niya. Ilang sandali, nakarating na siya at tumuloy na kung saan naka park ang kotse niya. Akala niya magiging matiwasay ang araw niya subalit unti-unti niyang matanaw ang familiar na pigura. Pigura na mag pakulo ng dugo niya walang iba kundi si Aris. Hindi lang ito nag iisa kundi kasama ang haliparot na si Sheena. Suot ang sexy tube top na kulay pink at pang ibaba ang maikling maong na palda at mataas na heels, nag lagay rin ng makapal na make-up na nang-aakit ang dating. Mag kasama silang dalawa, at kagaya ng dati, parang linta na dikit ng dikit ang dalaga sakanya samantala naman si Aris bitbit ang katamtaman na karton siguro gamit naman ng haliparot na Sheena na iyon. “Babes, magandang umaga.” “Anong maganda kung ikaw lang ang makikita ko.” Pabulong at pasadyang tono para marinig niya iyon. Hindi pa ako nakaka get over sa pag halik niya sa akin kagabi, baka nakaka-limutan niya. Ayaw ko siyang awayin ng dahil lang do’n at baka masira lang ang mood ko. Maganda pa naman ang gising ko ngayon at ayaw kong masira ng dahil lang sakanya. “Papasok kana babes, sa trabaho? Hatid na kita.” Presinta neto na kina-lingon naman ni Sheena sa tabi niya na medyo gulat na gulat sa pag alok ni Aris. “Ihahatid mo siya baby Aris, akala ko ba nangako ka sa akin na tutulungan mo akong mag dala ng mga karton na dala ko sa unit ko.” Maarte na salaysay ni Sheena. Mukhang nalulungkot pa ang bruha na hindi siya mauuna. Nakita ko kung saan naka park ang sasakyan ni Sheena, naka labas na rin ang tatlong karton katabi ng kotse niya siguro na balak niyang ipa buhat iyon lahat kay Aris. “Ahh eh oo Sheena sana. Ihahatid ko lang si Kayla sa trabaho at pag katapos ako na mismo ang mag dadala ng mga karton sa unit mo.” “Hindi na kailangan.” Pag tatangi ko pa dahil kaya ko naman mag-isa. Kong siya lang naman ang makakasama ko, mas nanaisin ko pang huwag na lang pumasok. “See? Si Kayla na mismo ang tumanggi na ayaw niya na mag pahatid sa’yo.” Pina lumbay ni Sheena ang boses na nag baby-talk na ang malandi. Akala niya naman bagay na bagay sakanya. Ugh. “Halika na Aris, pag katapos mong buhatin ang mga karton gagawan kita ng masarap na snack. Hihi.” Hagikhik na parang paniki ni Sheena at pinulupot niya ang kamay sa makisig na braso ni Aris at ginaya niya na si Aris na mauna ng mag lakad. Kahit labag man sa mata ni Aris na iwan ako, wala siyang nagawa sa pag hila sakanya ng malanding babaeng iyon. Habang naglalakad paalis, ang tingin pa rin ni Aris naiwan sa direksyon ko. “Sandali lang babes ha? Ihahatid ko lang ito at susunod kaagad ako. Ihahatid kita sa trabaho mo, hintayin mo ako.” “Bilisan mo na baby Aris.” Hinila ni Sheena si Aris ng malakas kaya ang tingin napa baling sa unahan na nag lalakad na silang sabay palayo. Bahala ka diyan at mauuna na ako. Sana lang hindi ko na sila makita pa. Kaasar. Umayos na ako ng tindig at nag patuloy na ako sa pag lalakad, bago pa ako tuluyang maka lampas sa sasakyan ni Sheena, nag preno akong tumigil. Tinignan ko na lang mga karton doon at sa labis na inis ko sinipa ko nang malakas kadahilanan na matumba iyon at sumunod ang pag kabasag kung ano man ang nasa loob. Buti nga. Nakaka-inis. *** Patapos na ang araw at natapos rin ang conference meeting at iba rin na mga appointment. Pag dating ko kaagad sa Opisina sumalubong sa akin ang secretary ko. “Mam Kayla. Nandito po sa kompaniya ang Lolo niyo.” Pag karinig ko kaagad ng balita niya sa akin, kumilos na ako para puntahan na si Lolo sa kanyang Opisina. Naabutan ko pa ang secretary niya sa station, hindi ko na nagawang batiin dahil lang sa pag mamadali dahil gusto kong masilayan kaagad si Lolo. Binuksan ko na ang pinto ng kanyang Opisina at pumasok na sa loob, naabutan ko siyang naka-upo at maayos na kalagayan. Nawala ang takot at pangamba sa dibdib ko na makita ko siya matapos ng ilang araw na pag ignore niya sa akin. “Lo.” Pinili kong maupo sa bakanteng silya na malapit sakanya. Kalmado lang naka-upo si Lolo sa single couch, abala sa ipad. Chini-check ang mahalaga at importante na hindi niya naasikaso ng wala siya. “Ilang araw na kitang tinatawagan at tini-text, hindi mo man lang ako sinasagot. Pumunta ako sa Mansyon, sinabi ng maids wala ka at na bakasyon... Saan ka ba kasi nag punta? Kahit ang secretary mo, tikom rin ang bibig.” “Nag bakasyaon lang ako para magpahinga at makapag relax ng ilang araw dahil sa trabaho at pati na rin sa stress.” Tinignan niya ako na para bang ako ang pinaparinggan niya. “Pinasadya ko talaga na huwag ipaalam sa’yo.” “Pwede ka naman nag pahingga sa bahay, bakit kailangan mo pa sa ibang lugar pumunta? Paano na lang kung may mangyari sa’yo, hindi ko alam.” Giit ko pa. “I’m so worried about you Lo, at papatayin mo naman ako sa pag aalala na hindi mo ako pinapansin eh.” Gusto ko pa mag rant at pagalitan siya sa ginawa niyang pananakot sa akin na bigla na lang pag iwas pero ayaw kong, ulitin niya na naman na gawin iyon. Hindi ako naka- tulog ng maayos at focus sa trabaho sa pag aalala kung ano na ang lagay at nangyari sakanya. Alalang-alala talaga ako at panatag na rin sa pag babalik niya. “Sa pag alis ko, at hindi pag paramdam sa’yo nag alala ka nang husto pero sa nararamdaman ko, na gusto kong hilingin sa’yo Kayla hindi mo ma consider.” May laman na pag kakasabi niya at iniwan niya akong natatami. Alam kong pino-point niya at hindi siya titigil hangga’t hindi ko pa nagagawa ang gusto niya. Ang mabuntis. “I know what you’re pointing too, but wala naman akong sinabi na hindi ko gagawin iyon Lo. Bigyan mo naman ako ng enough time, na iproseso sa akin kaagad ang gusto mo dahil hindi madali iyon.” Huminga ako ng malalim at kalmado na nag salita. “Huwag kayong mag alala at ginagawan ko ng paraan ang gusto niyo.” “Kong ako sa’yo Kayla, kumilos kana dahil malapit ng matapos araw na palugit, na binigay ko sa’yo.” Paalala niya muli na binalik ang tingin sa ipad. Napa hawak na lang ako sa damit ko ng puno ng diin at napag isip-isip. Siguro nga, kailangan ko ngang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD