Chapter 4

4135 Words
CHAPTER 4 KAYLA’S POV “Hindi pa tapos ang araw, pero ganiyan na kasama ang mukha mo.” Pukaw ang malalim kong iniisip na mag salita ang kaibigan kong si Claudine. Inalis ko ang siko na naka patong sa lamesa, at naka yungko ang baba ko. Mag kasama kaming dalawa ni Claudine sa madalas namin na tinatambayan na Cafe para mag unwind at mag palamig. Ginala ko ang tingin ko sa paligid, malaya kong pinapanuod sa glass window ang dumadaan na mga tao sa labas na nag sho-shoping sa loob ng Mall. Sakto lang naman ang laki ng Cafe, na modern at napaka ganda ng exterior design ng paligid. Pasado ala una pa lang ng hapon, kaya’t hindi gaanong matao na tamang-tama talaga ang oras na pag punta namin dahil apat lang ang nabakanteng seat sa loob, kasama na iyong sa amin. Nang matapos gawin ang dapat kung pirmahan at reviewhin na mga files kasama na rin video meeting kaninag umaga, umalis na ako kaagad sa kompaniya. Tinawagan ko na si Claudine, na mag kita kami sa favorite spot namin dahil hindi ako makapag focus lalong-lalo na sa trabaho. “Bakit masama ba?” “Masamang-masama.” Giit niya na lamang at nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga. Hindi naman magulo ang buhok at hindi saayos ang make-up ko dahil nakapag retouch naman ako kanina bago umalis, kundi ang mukha ko lang talaga ang problema. Naka busangot at hindi na maipinta. “Hindi na mabarya ang mukha, Kayla. Mag kano ba iyan? One thousand bills? Tignan mo nga sa salamin ang itsura mo, stress na stress na.” Patuloy niyang pag salita at hindi na lang ako kumibo pa. Kinuha ko ang inumin ko at lumagok para naman malamigan naman ako kahit konti. “Ano ba kasi ang problema? Hindi ka naman tatawag sa akin, para uminom lang tayo dito sa Cafe ng paborito mong iced coffee latte.” Natigilan na lang ako at binaba ang hawak kong inumin. Kaibigan ko talaga ang babaeng ito, kahit maliit na detalyado ng mustra ng mukha ko basang-basa niya talaga. Alam niya talaga kapag may problema at iniisip ako. “Si Lolo kasi.” Pag sisimula ko. Nakaka gaan talaga kapag nilalabas mo ang problema at iniisip mo sa ibang tao. Ilang araw na ako hindi makapag focus sa trabaho, dahil hindi niya pa rin ako kinakausap. Like iniiwasan niya ako na hindi ako nag eexist sa mundong ito. Ilang beses ko na siyang tinext at tinawagan pero deadma pa rin, hindi siya nag rereponse sa akin. Hindi rin siya dumalaw sa kompaniya ng tatlong araw na, kaya’t nababahala na ako nang husto. Kinausap ko ang secretary ni Lolo para tanungin pero wala rin siyang maisagot sa akin. Hindi ko rin mapuntahan sa Mansyon dahil panigurado lang naman na hindi ako papasukin ng guards at even the maids. Pinag kakaisahan nila akong lahat. Nakaka-inis. Sa tatlong araw na hindi pag pansin sa akin ni Lolo, isang torture na iyon sa akin iyon dahil hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay, na i- completely ignored ako ni Lolo. Hindi naman kami umaabot sa ganito na de-deadmahin ang isa’t-isa kahit mayron kaming misunderstanding na dalawa. Ngayon lang talaga. Siya na lang ang pamilyang mayron ako kaya’t ko siya matiis, hindi ako mapakali at makapag focus sa trabaho. “Ilang araw ko na tini-text at tinatawagan si Lolo he’s just like ignoring and avoiding me, Claudine. Hindi na ako makapag focus sa work dahil hindi ako sanay na nag kakaganito kami.” Sinapo ko ang aking mukha ng palad. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung tumagal pa ito ng ilang araw na pag iiwas niya sa akin. “Anong gagawin ko?” Despirate na ako na gusto ko na kaagad kausapin niya na ako. Anong nagawa kong mali? Huli kong natatandaan maayos naman ang huli naming pag uusap, medyo hindi lang ako masyado sang-ayun sa gusto niyang mangyari na may pag tatalo pa, pero bakit ganito? Ughh, para akong masisiraan ng bait kakaisip. “Hindi mo alam ang gagawin mo?” Sinulyapan ko si Claudine na para bang may naiisip siya ng magandang solusyon. Iyon naman ang gusto ko, para matapos na ito. “Itext mo ang Lolo mo at sabihin mo sakanya na buntis kana, tignan lang natin kung hindi ka niya kausapin.” Kung mag salita naman ang loka-lokang ito, as if naman magandang idea ang sinabi niya. Hindi naman tanga si Lolo, para maniwala kaagad kapag ganun ang sinabi ko. Sa ilang araw lang, na hindi pag uusap namin panigurado hindi iyon maniniwala na kaagad-agad akong mabubuntis. Pwede naman siyang maniwala pero panigurado mag iimbestiga talaga iyon para lang makompirma kung buntis ba talaga ako. “You’re not helping Claudine.” Sumakit lamang lalo ang ulo ko sa sinabi niya. Napa-ungol ako sa frustration, para mag isip kung paano niya ako kakausapin. “What? Sinasabi ko lang naman sa’yo Kayla ang pwedeng mangyari kapag ganun ang sinabi mo. Diba iyon naman ang gusto niya, ang mabuntis at mabigyan mo siya ng Apo?” Hindi na ako nag salita pa dahil ayaw kong patulan kung ano man ang iniisip niya. “Bakit mo pa kasi pinapatagal pa? Mayron ng mag bubuntis sa’yo, nandiyan na si Aris at wala kanang problema pa.. Kung ako sa’yo, tawagan mo na siya at bumukaka kana kaagad sa harapan niya para mabuntis kana niya kaagad para tapos na ang problema mo.” Me and Aris? Sa asunggot na iyon? Ewan, hindi ko ma imagine ang sarili kong makikipag talik sakanya, sa lalaking kina-iinisan at nag papakulo lagi ng dugo ko. Pumayag lang naman ako, dahil despirate na ako na gawin ang gusto ni Lolo. I just can’t lose everything specially the company. Ayaw ko naman na i give-up na lang iyon ng basta-basta kaya papanindigan ko na lang ito. “Ugh, ayaw ko nga, Claudine.” Tila ba’y nagulat rin siya sa naging sagot ko. “Anong ayaw mo? Diba iyon naman ang goal natin ang mag hanap ng lalaking mag bubuntis sa’yo para sa gusto ng Lolo mo tapos ngayon mag aayaw-ayaw ka pa. Ang labo mo.” “Hindi lang sa ayaw ko, hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa na makipag s*x kay Aris.” Pinasadya kong hinaan ang boses ko, ayaw ko naman na marinig ng ibang tao na pino-problema ko ang makipag s*x. Oo virgin ako, wala akong experience sa mga ganiyan. Wala rin akong alam pag dating sa s*x kung ano ba dapat ang gagawin kaya’t iyon rin ang pino-problema ko. Kapag iniisip ko pa lang na gagawin namin iyon ni Aris, kinakabahan at natatakot ako na para bang napapa-atras na kaagad ako. Kaloka. Hindi lang ako na sstress sa pag ignored sa akin ni Lolo kundi ang makipag talik kay Aris. “Anong hindi handa?” Napa-pitik siya sa hangin na makuha ang ibig kong sabihin at ngumiti ng ubod ng kay tamis. “I got you Kayla, pinag handaan ko naman talaga dahil alam ko naman na wala kapang experience sa mga ganiyan. Nag save na ako ng mga videos ng mga s*x videos, just incase na kakailanganin.” Nilabas niya mula sa bag ang ipad. Hindi ko naman alam na prepared talaga siya nang husto. Binuksan niya na ang ipad at hinanap na ang files kung saan man iyon naka-lagay. Para na akong aatakehin na ig play niya na ang video at naka set pa sa normal volume. “Ito panuorin mo, para maka kuha ka diyan ng tips kung paano gawin.” Nilapit niya talaga sa akin ang ipad para ipakita. White people iyong nasa screen, unang titignan mag couple ang dalawa. Nag halikan na sila at nag simula ng humubad na manlaki na lang ang mata ko sa sumunod na kaganapan. “Claudine, ano ba. Ilayo mo nga iyan sa akin.” Tinutulak ko palayo ang ipad dahil hindi ko kayang panuorin. Ig forward pa ni Claudine ang clip hanggang nag simula na silang mag chukchakan na dalawa sa kama na maririnig ko na ang ungol nila pareho na hindi ko kayang pakinggan dahil nahihiya ako. Lumingon ako sa kaliwa’t-kanan ko, lalo lang akong nahihiya dahil rinig na rinig talaga ang ungol ng video. “Ang arte naman neto, panuorin mo kasi.” Imbes ilayo, nilapit niya talaga sa pag mumukha ko ang screen kaya’t kitang-kita ko kung paano gumalaw ang lalaki sa ibabaw ng babae at pareho silang umuungol. Pulang-pula na ang aking mukha na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang isang kamay samantala nama ang isa, pilit tinutulak ang ipad palayo. “Ilayo mo na Claudine, ano ba.” “Ito naman feeling virgin. Trenta kana Kayla kaya huwag kana diyan mag inarte. Alisin mo na kasi ang kamay mo sa mukha mo at panuorin mo ito.” Giit niya na lang na iniling ko pa ang ulo ko pahiwatig na ayaw ko talagang tignan o kahit panuorin. “Bilis na kasi, tumingin ka lang kahit konti.” “Claudine, ano ba.” Oo, sinubukan ko noon panuorin ng mga porno at mga ganiyan pero hindi ko lang kaya na tapusin at tignan. Mula noon hindi ko na talaga sinubukan na ulitin pa. Nakaka-trauma. “Ilayo mo na kasi iyan.” “Hindi mo, gusto? Meron akong cartoons dito kung hindi mo trip itong live.” Inilipat niya naman sa parang mga anime at parang nasa classroom iyon, na maloka na ako nang husto. Para lang siyang nag titinda na nag aalok na pinapakita ang mga naka save niya doon na mga files sa dami. “Claudine, ayaw ko kasi. Ano ba.” Mabuti na lang talaga at nilayo niya na sa akin ang ipad, mukhang napagod na siya mag kukulit sa akin na panuorin iyon. Kahit naman, ibalandra niya pa iyon na panuorin ko, hindi ako mag tatangkang silipin iyon. “Kaloka, sayang ang gaganda pa naman netong mga sinave ko tapos hindi mo naman papanuorin.” May pag hihinayang pa sa boses niya. Aba. Kulang na lang masiraan ako ng bait sakanya. Kaloka talaga ang babaeng ito. ARIS POV Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, binabaybay niya ang mahabang kalsada na minamaneho ang medyo kalumaan na grey na sasakyan na second hand niya na nabili. Ang isa niyang naka hawak sa manibela at pinagalaw ang leeg, bahagyang pananakit sa mag hapon na pag tra-trabaho. Simple lang na maong na pantalom ang suot samantala naman sa itaas ang kulay itim na t-shirt na v-neck. Pinag masdan niya ang iba’t-ibang mga sasakyan sa kalsada at samo’t-samong ingay na rin ang naririnig sa paligid ng mga tao na dumadaan at mga nag titinda rin. Mukhang maiipit na naman siya sa mahabang byahe dahil rush hour, kadalasan umuuwi na ang mga estudyante at nag tra-trabaho. Ilang minuto pa ang kanyang hinintay bago umusad ang mga sasakyan at naka rating na rin siya sa kanyang condo. Pinark niya na ang sasakyan sa parking area sa pinaka ground floor at kinuha na rin ang katamtaman na supot ng plastic laman lamang ng saging. Sinarhan niya na ang pintuan ng sasakyan at kinuha ang mga kailangan niya. Habang nag lalakad, ginala niya ang tingin sa paligid at napaka tahimik na siya lang din ang taong naroon. Naka park din doon ang ibang mga sasakyan na pag mamay-ari ng ilang mga naka-tira doon. May ibang parte ng ground floor ang may ilaw kaya’t ang ibang bahagi nilamon ng dilim ngunit wala naman siyang naramdaman na takot at tuloy-tuloy lang siyang naglalakad hanggang makarating na siya sa elevator at sumakay na. Pag dating niya sa sa 1st floor lumabas na siya at napapa-lingon sa kanya ang ibang taong maka salubong na binabati at nginingitian siya. Isang tango at pag bati rin ang sinukli niya sa mga ito hanggang maka rating na siya sa pinaka dulong bahagi kung saan naroon ang kanyang pakay. Pumasok na siya sa isang area, at doon naka lagay ang mga locker na maliit na sasakto kakasya ang parcel o mahalagang documento. Lampas siguro bente ang mga locker na naroon at bawat isa may mga numero na naka lagay, na naka laan sa bawat nakatira doon. Nilabas niya na ang susi ng kanyang locker at binuksan para alamin kung mayron na siyang bagong mail o kaya naman mga sulat na dumating. Kinuha niya mula sa locket ang limang piraso ng mga envelop, ang iba naka selyado. Tinignan niya muna kung kanino iyon galing at sinarhan niya na muli. Dumiretso na siyang umalis para tumahak na papunta sa kanyang unit. Habang nag lalakad bitbit ang mga dala-dala niya papunta sa elevator para sumakay, na kaagad naman siyang matigilan na mag paagaw ng kanyang atensyon na makita si Mrs. Lopes ang matandang mag isang nanirahan kapareho ng floor unit kung saan siya naka- tira. Lampas 60’s na ang edad neto at hirap na rin sa pag kilos at galaw, pansin niya rin na medyo may karamihan ang supot na kanyang pinamili at tantya na may kabigatan ang mga iyon. Mag-isang naka tayo ang matanda sa tapat ng elevator, hinihintay na bumukas iyon. Bumukas na ang elevator at kinuha na rin ng matanda ang kanyang mga pinamili, yumukod pa ito para unang kunin ang mga supot ng plastic na kanyang mga pinamili at hirap pa netong inaabot ang mga natira pa at katamtaman na box. Pinapanuod niya lang ang matanda na hirap-hirap na sa kanyang mga unang bitbit. Aabutin sana ng matanda ang supot at box subalit, mabilis niyang kinuha iyon. Tila ba’y nagulat ang matanda sa biglang pag sulpot at takang-taka na nilingon siya. Binitbit niya ang medyo may kabigatan na mga plastic at ang isa niyang kamay binuhat na parang papel lang ang karton. “Tulungan ko na kayong mag dala.” Hindi pa rin makapaniwala sa mukha ng matanda na makita siya, pansin niya rin na hirap na hirap na ito sa daming mga pinamili. “Aris, ikaw pala iyan Hijo, nakaka hiya naman sa’yo.” “Okay lang ho, mukhang nahihirapan na kayo sa pag dadala. At tyaka, bakante pa naman ang kamay ko na mag buhat pa ng iba.” Pinakita niya sa matanda ang mga bitbit na handa siyang tumulong, at tila ba’y napanatag naman ito. Nauna na ang matanda na pumasok sa loob at sumunod na rin siya dito hanggang sumarado na ang elevator. Siya na mismo ang pumindot ng floor, dahil iisa lang naman ang bababaan nilang dalawa. Ilang sandali lang at naka- rating na sila sa floor, at sabay na silang dalawa na nag lakad dahil alam niya naman kung saan naka tira. “Mukhang ang rami niyo pong pinamili Mrs. Lopes, mukhang mag hahanda kayo. Anong okasyon? Kaarawan niyo po ba?” Hindi mapigilan ni Aris na mapansin ang mga pinamili ng matanda. Kung tatantyahin, may mga prutas, gulay at mga stock na itong binili. “Ahh ito ba? Hindi, stock ko ang mga ito ng pag kain ng dalawang linggo.” “Bakit kailangan niyo na bitbitin ang lahat ng ito? Pwede naman kayong mag order sa online at mapag deliver para hindi na kayo mag abala at mahirapan pa sa pag bibitbit.” “Gusto ko rin ito Aris at na ako mismo bumili at pumili ng mga kailangan ko at isa pa, nakaka labas naman ako kahit saglit.” “Kong kinakailangan niyo ng tulong, tawagan niyo na lang ako, pwede ko nman kayo bilhan ng mga pag kain at ibang kailangan niyo para hindi na kayo mapagod nang husto.” “Sige,” Napa tigil na lang sila pareho nang matapat na sila sa mismong pinto ng unit ni Mrs. Lopes at binuksan naman ng matanda ang pintuan kahit pinigilan man siya na tulungan siya, dinala na mismo niya ang mga bitbit sa kusina para hindi na ito mahirapan pa. Kinuha niya rin ang hawak ng matanda at pinanuod lang siya neto sa labas ng pinto. Nang matapos na niya mailagay ang lahat, nilapitan niya ito. “Maraming salamat talaga Aris, hindi mo naman kailangan pang tulungan ako.. Halika muna sa loob para gawan kita ng maiinom.” “Hindi na po maraming salamat na lang Mrs. Lopes, sa susunod na lang at marami pa akong gagawin eh.” “Sigurado ka ba?” “Opo,” “Sige, maraming salamat ulit. Napakabait mo talaga na parati mo akong tinutulungan. Tiyak kong napaka swerte ng asawa mo sa’yo hindi lang sa napaka ginoong lalaki kundi napaka matulungin rin.” Pag puri neto sakanya Bahagya na lang siyang napa kamot ng ulo, na kahit hindi naman makati at nahihiya na tumingin kay Mrs. Lopes. “Wala ho akong asawa.” Tila ba’y nagulat ang matanda sa sinabi niya. Sanay naman siya na ganun na ganun ang reaksyon kapag sinasabi niya kapag nag tatanong na wala siyang asawa o kaya naman nobya. Paminsan nga nag tataka pa rin ang mga it kung bakit wala na ang edad niya sa kalendaryo, hindi niya pa rin naisip na umibig ulit, siguro hinihintay niya pa talaga ang babaeng para sakanya. “Sa gandang lalaki mong iyan, imposible naman na wala ka pang asawa o kaya naman nobya. Tiyak kong maraming mga babae ang nag kakagusto sa’yo.” Sa gilid nilang dalawa nakita niya ang pag daan ng isang babae na mag paagaw ng kanyang atensyon. Isang babae na gustong-gusto niya parati masilayan. At ang babaeng iyon, walang iba kundi si Kayla. “Wala pa, pero malapit na.” Hindi niya mapigilan na mapa titig sa dalaga na ang kanyang tindig at paraan ng pag lakad, mahahalata mo na galing sa mayaman na angkan. Parang namagnet na lang napa sunod ang kanyang atensyon at tingin ng dumaan ito sa gilid nila na walang lingon-lingon na naka suot ng terno na mamahalin na kasuotan na kulay khaki top semi- sleeveless at pang ibaba naman ang trouser pants, terno rin ng itim na high heels. Napa sunod rin ang matandang si Mrs. Lopes, para tignan kung saan rin siya napa tingin at ngumiti na lang ito. “Sige na, puntahan mo na siya Hijo,” rinig niyang nag salita ito at nag paalam na siya rito. “Sige ho, mauna na ako.” Ilang pinto pa ng unit ang dinaanan ni Kayla at tumigil na ito mismo sa tapat ng kanyang unit. Nag lakad na siya palapit sa dalaga, hindi niya mapigilan ang sarili na obserbahan ito ng palihim. Kulay chocolate ang maganda nitong buhok na hanggang likod ang haba, medyo curly ang bahagyang laylayan na bumagay nama sakanya. Sa kaliwang kamay ang hawak ang isang itim na gucci bags at ang isang folder na nag lalaman ng mga files. Hanggang ang kanyang pag obserba napako na lang sa maganda netong mukha. Kahit naka lagay siya ng make-up, hindi pa rin maikakaila na maganda nga talaga ito. Matangos na ilong, at mamula-mula na parang rosas na pisngi. Abala si Kayla na, kinakalkal sa loob ng bag ang susi siguro ng kanyang unit na hindi pa nga ito makapasok. Nakita niya ang iritasyon at inis sa mukha neto na hindi niya mahanap ang hinahanap, na ilang segundo na itong naka-tayo roon. Sarap na sarap siyang pag masdan na pinapanuod niya itong laging masungit. “Ugh, asan na ba kasi iyon?” Rinig niyang himutok na kinalkal na bawat kasulok-sulokan ngunit wala pa rin. Inayos niya ang folder na hawak samantala naman hinahanap sa bag gamit ng isang kamay ang susi. “Dito ko lang nilagay iyo—-Ahh s**t!” Mura na lang na malaglag sa sahig ang mga dokumento na nakapaloob sa folder na hawak niya kanina. Lalo pa siyang napa ngisi, na gumuhit ang labis na frustration sa mukha na isa-isa niyang pinupulot ang nag kalat na mga documento at pasadya pa siyang umupo para lang mapulot iyon ng maayos. “Kaasar naman, kung kailan ako nag mamadali at sasabay pa it——“ hindi na ni Kayla na natapos ang sasabihin na pasadya rin siya huminto sa gilid neto para tulungan ito sa pag pupulot. Parang matalim na kutsilyo, na nilingon kung sino iyon. Kitang-kita niya kung paano bumaloktot ang noo neto na makita siya. “Let me help you babes,” casual niyang wika at tinulungan niya na rin nga ito. Tinapos na ni Kayla na pulutin ang mga huling nag kalat na mga nalaglag at bago niya maabot ng maayos dito ng maayos ang mga files, pahablot nitong kinuha sakanya ito. “Ano bang kailangan mo?” Wala pa nga siyang sinasabi, galit na naman ito. Lalo lang napapa mangha sa tuwing nag susungit ito sakanya. “Chillax lang babes, ang init-init kaagad ng ulo mo,” pag papakalma niya ngunit mukhang hindi man lang ito natutuwa na makita siya. “Gusto ko lang kumustahin ka. Mukhang ang aga ata ng uwi mo ngayon ah.” Pansin niya na maaga ngayon ang uwi neto sa dati-rating oras sa tuwing umuuwi ito galing trabaho. Alam na alam niya iyon. “Bakit, bawal na ba akong umuwi ng maaga ngayon?” Inirapan siya sabay ayos ng files na hawak. “Masaya lang ako, na makita ka ngayon iyon lang babes.” Nag papa cute siya dito, na hindi niya man lang makuha ang amor ng dalaga. “Ts, ang corny mo.” Iniling na lang ang kanyang ulo at bago ito haharap sa pinto para buksan iyon na dali-dali niyang nilabas sa bulsa at inabot sakanya ang kanina niya pa gusto ibigay. “Ano iyan?” “Cellphone.” Casual niyang salita, na masungit na tinignan ni Kayla ang cellphone na inabot niya na keypad. Hindi na bago iyon pero malakas pa ang signal no’n. “Anong gagawin ko diyan?” “Text-text tayo.” Nilawakan niya ang ngiti sa labi na hindi na maipinta ang mukha neto sa sinabi niya. “Para hindi kana mahirapan mag contact sa akin, kaya’t ilagay mo na lang diyan ang phone number mo, para hindi kana mahirapan mag sulat sa akin.” Kahit weird man ang mga nangyari, kinuha ni Kayla sa kamay niya ang inabot niyang cellphone. “Gumagana pa ba ito?” “Grabe ka naman babes, syempre oo naman.” “Mukhang mas matanda pa ito sa Lolo mo eh. Hindi na uso ang ganito, keypad talaga? Dapat hindi na ganito ang ginagamit mo.” “Huwag mong ssmolin ang cellphone ko babes, matibay iyan.” Proud niyang tugon. Aba, huwag niyang mamaliitin ang cellphone niya. Ilang taon na iyon sa kanya at buhay na buhay pa rin. Marami na nga lang na mga gasgas at hindi na makita ang mga number at letters sa keypad ngunit kabisado niya naman iyon. Kaya niyang mag type kahit naka-pikit pa siya. May maayos naman siyang mga cellphone kung totoosin ngunit mas komportable pa rin talaga niyang gamitin ang keypad sa kanyang trabaho at transaction. “Huwag mong subukan babes, na icontact ako sa messenger ha? Wala akong ganun, kasi keypad lang iyan. Hihi.” Presko niyang tugon “Oh ayan na, nilagay ko na.” Padabog na binalik sa kanya ang cellphone niya tinalikuran na siya nito para buksan na ang pintuan. Napa ngiti na lang siya na binalik sa bulsa ang cellphone. “Huwag mo lang subukan mangulit sa akin kundi malilintikan ka!” Banta na lang neto at bago pa mabuksan ang pinto at nilapit niya ang sarili niya dito. “Bakit ano ang gagawin mo sa akin, babes?” Kinorner niya ito kaya’t napa sandal na lang ito sa pintuan. Tinukod niya ang isa niyang kamay sa pagitan ng mukha neto at ilang pulgada na ang layo ng kanilang katawan sa isa’t-isa, na wala na nga itong takas pa sakanya. Niyukod niya pa ng konti ang sarili para mag kapantay sila ng titig na ngayon, nanatiling naka tayo pa rin si Kayla at hindi maka-kilos. Tila may pag aakit na tumitig siya sa dalaga, at lalo lamang naakit sa kagandahan nitong taglay. Tangina, napaka ganda niya pa lalo sa personal. Nakita niyang napa-lunok ng mariin si Kayla at tumaas ang tingin niya hanggang mapa dako sa mala-rosas na mapulang labi, nag uudyok sakanya na halikan iyon. Shit, ano ba itong iniisip ko? “Anong gagawin mo, babes?” Pag aasar niya pa lalo na nilapit niya pa ang sarili na mag kadikit pa ang katawan nila, na mag panic na ito ng husto. Hindi na alam ni Kayla ang gagawin at pansin niya ang pamumuong pawis sa noo neto, iyon naman ang gusto niyang mangyari. “W-Wala!” Matapang na sagot nito at bago pa niya maibuka ang bibig, na tinulak na lang siya ng malakas ni Kayla palayo sakanya at mabilis nitong binuksan ang pinto at kasunod no’n ang pag sara ng malakas. Naiwan na lang siyang naka tayo, at napa titig sa pinto ng unit ng dalaga na may ngiti sa kanyang labi na nabuo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD