MARAHANG pinuno ng hangin ni Ybrahm ang dibdib. Napapangiting tinanaw niya ang malawak na dagat.
Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwala sa naging desisyon ng kaniyang Lolo.
Marrying someone he doesn't even know. Damn!
Kung hindi malaki ang respeto niya sa matanda'y hindi niya gagawin ang gusto nito. Pero wala naman siyang magagawa. Matanda na ang kaniyang Lolo Ybarro. Ayaw niyang gumawa ng ikasasama ng loob nito.
"Ybrahm!" Kaagad na napalingon si Ybrahm sa pinagmulan ng tinig. Mula sa dalampasigan na kinaroroonan niya'y natanaw niya ang isang dalagang kumakaway. Wari'y tinatawag siya pabalik sa rest house ng ama nito.
Bago tuluyang humakbang ay napansin niya ang hindi kalayuang bahay. Medyo may kalakihan iyon kaysa sa rest house na tinutuluyan niya.
Isang matandang babae ang nakita niyang nakaupo sa balkon ng bahay. Hindi niya mawari kung siya ba ang tinatanaw nito. Kaagad na lang siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa naudlot na paglalakad.
"Nasa kusina na ang tanghalian. Sariwa ang lobster na binili ni Papa kay Tatang Jose. Tiyak na magugustuhan mo iyon." Malaki ang ngiting sabi nito bago pasimpleng binangga ang braso sa kaniya.
Hindi na kaiba sa kaniya ang ganoong gawi ng mga babae. Isa si Mariane sa mga babaeng gustong makuha ang kaniyang atensiyon. Maganda rin naman ito, pero wala itong dating kay Ybrahm. Hindi niya alam kung bakit pero simula nang mangyari ang aksidente isang taon na ang nakakalipas, hindi na siya kailanman pumasok sa isang relasyon. Pakiramdam niya'y may pinagtataksilan siya gayong wala naman siyang nobya.
Mabilis na kinamot ni Ybrahm ang kilay. Maybe Ivan forgot to tell them about his allergies.
"Ako ang nagluto nito. Maupo ka na para makapag-umpisa ka nang kumain."
"I'm sorry, but I don't eat seafood." Seryoso niyang sabi na ikinamaang ni Mariane. As much as he wants to stay formal, hindi niya maiwasang maging suplado sa dalaga. It's very obvious that she's into him. And he doesn't want that.
Isang naiilang na tawa ang pinakawalan ni Mariane. "Pero wala nang ibang ulam. Kung makakapaghintay ka'y-."
"I'll eat somewhere else." Malamig na sabi ni Ybrahm bago tumayo.
Mabilis siyang pinigilan ni Mariane. Napapikit na lamang siya nang mariin dahil doon. "May kakilala ako sa kabilang rest house. Kung gusto mo doon na lang tayo kumain."
"I don't eat with strangers."
"Kasama mo naman ako." Sabi nito bago pilit na pinalamlam ang mga mata. "Please..."
Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Ybrahm bago sumunod sa dalagang nauna nang lumabas.
Tiim ang mga bagang na tumigil sila sa tapat ng bahay na kanina lamang ay tinatanaw niya. Hindi tuloy niya maiwasang hilingin na sana'y iyon na lang ang inupahan ng kaniyang Lolo. Ayaw niyang makasama ang anak ng Kapitan ng San Antonio sa iisang bubong.
"Tiya Soledad?" Pagtawag ni Mariane sa taong nasa loob.
Hindi naman sila naghintay ng matagal. Isang may edad na babae ang lumabas. May hawak pa itong sandok sa kamay habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kaniya.
"Dios mio, ikaw nga!" Malakas nitong sabi bago malalaki ang hakbang na nilapitan si Ybrahm. Nabigla man ay hindi pinakita ni Ybrahm nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit.
"Tiyang, iiwan ko po muna si Ybrahm dito. Pinapatawag ako ni Papa." Sabi ni Mariane na ang mga mata'y nasa cellphone. "Mauuna na ako ah, bye Ybrahm!"
Awtomatikong napaikot na lang ang mga mata ni Ybrahm nang tuluyang makaalis si Mariane. Now what? Anong gagawin niya sa bahay na ito? Sasabihin ba niyang allergic siya sa seafoods at kung maaari'y makikikain siya sa mga ito?! s**t!
"Pasok ka hijo, tiyak na matutuwa ang anak ko kapag nakita ka." Sabi ng ginang na ikinakunot niya ng noo.
Anong pinagsasasabi nito? Parang kilalang-kilala na siya nito kung magsalita.
"Kristina!" Malakas na sigaw ng babae.
"Wala si Kristina, kaaalis lang naghatid ng ulam kay Kevin. Alam mo namang-." Natigil sa pagsasalita ang isang matanda nang mapalingon sa kaniya.
Napansin niyang ito ang matanda kanina sa balkon. Mukhang hindi nga siya nagkakamali, siya ang tinatanaw nito kanina.
"Uh, hello po, ako po si Ybrahm." alanganing pagpapakilala niya sa dalawang babae.
"Naku, Ybrahm, maupo ka muna at sumabay ka na sa aming mananghalian." Nakangiting sabi ni Soledad sa binata.
"Ybarr-."
"Ybrahm Ma, siya yung nagligtas sa amin ni Tinay sa barko." Noon nalinawan si Ybrahm. Kaya pala ganoon na lang ang higpit ng yakap nito dahil may utang na loob pala ito sa kaniya. "Kasama mo ba iyong Martin ang pangalan?"
"Si Martin po? Uh, nasa New York po siya ngayon." Magalang niyang sagot habang hinihila ang isang upuan. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansing hindi lang seafoods ang ulam ng mga ito. Dahil kung hindi'y tiyak na mapipilitan siyang kumain ng bawal sa kaniya.
"Ganoon ba, o siya, kumain na tayo." Nakangiting sabi ni Soledad.
"Hindi po ba't may isa pa kayong kasama? Bakit hindi na lang po natin siya hintayin? Nakakahiya naman po kung mauuna akong kumain." Sabi ni Ybrahm na napapaiwas ng tingin dahil sa matamang pagtitig ng matanda sa kaniya.
"Hayaan mo na iyong si Tinay. Paniguradong doon iyon kakain sa kaibigan niya."
"Saan galing ang pangalan mo, hijo?" Maya-maya'y tanong ni Katarina sa binata.
Saglit na uminom ng tubig si Ybrahm bago sumagot. "My Lolo gave me that name. Pangalan daw sana ng anak nila ng kaniyang first love."
Hindi maintindihan ni Ybrahm nang mabilis na pinunasan ng matanda ang luha nitong namalisbis sa pisngi nito.
"Nagkatuluyan ba sila ng babaeng iyon?"
"Nope...pinaghiwalay daw sila ng sitwasyon." pagsagot niya sa matanda. "But my Lolo still love her."
"I know..." mahinang sambit ng matanda na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Huwag mo nang pansinin si Mama. Ganoon rin kasi siya sa first love niya. Hindi sila nagkatuluyan." Nakangiting sabi ni Soledad bago ipinagpatuloy ang pagkain.
Napapatangong niyuko na lang ni Ybrahm ang kaniyang plato.
Nang matapos sa pagkain ay nagyaya pa ang mag-inang samahan niya ang mga itong magkape sa balkon. Hindi niya alam kung bakit pumayag siya. Gayong wala naman siyang matandaang umiinom siya ng kape. He doesn't like the bitter aftertaste. Pero ngayon, himalang naubos niya ang isang tasang kapeng barako.
"Hindi pa po ba uuwi ang anak ninyo?" out of nowhere, he asked.
Well, he was just worried. Napag-alaman niya kasing malayo pa ang bahay ng kaibigan nito.
"Pauwi na rin siguro iyon." Pagsagot ni Soledad.
"Kung ganoon po, maaari na po siguro akong bumalik sa kabila."
"Hindi mo na ba siya hihintayin? Tiyak na matutuwa si Tinay kapag nakita ka. Malaki ang pasasalamat niya sa iyo dahil ikaw ang taong nagligtas sa kaniya."
Sa sinabing iyon ni Soledad ay may kung anong pumasok na imahe sa isipan ni Ybrahm.
Nasa loob sila ng barkong unti-unting lumulubog.
"Sweetie, your Mom's with my friend. They're safe now." Pinilit niyang huwag ipahalata ang hirap sa kaniyang boses. "Can you hold your breath for a minute? I promise, ilalabas kita riyan."
"Pero..."
"C'mon, babe, I'll count to ten. When you heard the last number hold your breath."
"Natatakot ako, ayaw ko pang mamatay." Sabi nito na may kasamang paghikbi.
"That's why I'm here. Now, I'll start in one..." pag-uumpisa ni Ybrahm. Ramdam niya na ang paglubog ng paa sa malamig na tubig ng dagat. Hanggang sa umabot iyon sa kaniyang bewang hanggang sa kaniyang leeg. "...nine...ten. Hold your breath honey, I'll save you."
"Ybrahm hijo, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng matandang babae.
"I...I'm okay. Mauuna na po ako, salamat sa tanghalian." Mabilis niyang sabi bago nagmamadaling tinungo ang kabilang bahay.
Those memories, those were his missing memories. Hindi man buo alam ni Ybrahm na sa kaniya ang mga alaalang iyon.
-
PATAKBONG pumasok sa loob ng bahay si Tinay dala ang tupperware na pinaglagyan niya ng ulam kanina.
Natutuwa siyang nagustuhan ni Kevin at ni Tatang Jose ang pinaluto niyang ginataan.
"Ma! Ako na pong magluluto-." Natigil sa malakas na pagsasalita si Tinay nang mapansin niya ang isang lalaking nagmamadaling umalis. Kunot ang noong lumapit siya sa kaniyang mama at lola.
"Tinay! Kanina ka pa bang nariyan?" Malaki ang ngiting tanong ni Soledad na ikinakunot pang lalo ng kaniyang noo. Hindi naman ganoon ang kaniyang Mama. Ni minsan hindi ito naging magiliw sa ibang tao, maliban na lang kung kakilalang talaga.
Saglit niyang nilubayan ng tingin ang papalayong lalaki. "Sino 'yun Ma?"
Muli'y binalot ng pagtataka ang kaniyang isipan nang mas lumaki ang ngiti ni Soledad. "Magluluto ako ng sinigang na baboy. Dalhin mo mamaya sa rest house ni Kapitan."
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Tinay. "Don't tell me you like that guy." pantay ang boses na tanong niya sa inang nanlalaki ang mga mata.
Mahina siya nitong hinampas sa balikat. "Ano ka ba namang bata ka, kung anu-anong pumapasok sa isip mo. Hala't mag-asikaso na tayo ng hapunan."
Nang makaalis si Soledad ay pasimple uling tinapunan ni Tinay ng tingin ang lalaking papasok na ngayon sa bahay ng kanilang Kapitan. Walang dudang ito ang bisitang tinutukoy ni Tatang Jose at Kevin kanina.
Kibit ang balikat na pumasok na lang si Tinay sa loob ng bahay. Sinunod niya ang inang mag-ayos na ng hapunan.
Talagang naninibago siya rito. Alam niyang magiliw sa pagluluto ang Mama niya. Pero mas magiliw ito ngayon. Nakukuha pa nitong kumanta na hindi naman nito dating ginagawa.
"Alam mo Ma, mas lalo talaga akong naghihinala. Ano bang nakain mo?"
"Anak, masaya lang ako."
"At bakit naman? Naku, kapag si Papa bumangon sa hukay..." Pananakot niya sa inang naglalagay na ng sangkap sa kaserola.
"Ewan ko nga sayong bata ka." Sagot nito bago inilabas ang bagong tupperware. "Kapag naluto na 'yung sinigang, magsalin ka rito at dalhin mo doon sa rest house ni Kapitan. Hindi ko alam kung may kakainin ba si Ybrahm ngayong gabi. Mabuti na iyong pagdalhan mo siya."
"Are you serious?! Papapuntahin mo ako doon? Ma, babae ako at obvious namang lalaki iyong Ybrahm na iyon. Aren't you too comfortable with me going in th-."
"Hayy naku, Kristina, umiral na naman iyang kalikutan ng isip mo. Mabait na tao si Ybrahm..." Sabi ni Soledad habang pinanlalakihan siya ng mga mata. "...hala, bantayan mo iyang niluluto ko."
"Ma naman eh!"
Walang nagawa si Tinay. Oras kasi na banggitin na ng kaniyang Mama ang buo niyang pangalan ay alam niyang seryoso ito sa gustong ipagawa sa kaniya.
Ipapanalangin na lang siguro niya na mabuting tao nga talaga ang Ybrahm na iyon. Dahil kung hindi at nagtake advantage ito'y ipapabugbog niya ito sa mga tropa niyang mangingisda.