Chapter 2

1861 Words
TULALANG nakatitig si Tinay sa malawak na karagatan. Mula sa balkonahe ay natanawan niya ang ilang turistang nagkakasiyahan sa katabing resort. "Tulala ka na naman, Kristina." Narinig niyang sabi ng kaniyang Lola mula sa kaniyang likuran. "Isang taon na ang nakakalipas, hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?" Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Tinay kasabay ng isang buntong-hininga. "Mahirap siyang kalimutan. Siya ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon." Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang likod. "Pero ang totoong nagsalba sa buhay ninyo ay iyong lalaking nagligtas kay Soledad. Isn't it unfair?" "Kung hindi niya ako inilabas sa banyo'y paniguradong nakabaon na ako ngayon sa lupa. Or worst, baka kinain na ng mga isda ang katawan ko sa dagat." Pangangatwiran ni Tinay. "But of course, thankful pa rin ako sa pagsagip sa amin ni Martin." Marahan siyang niyakap ng kaniyang lola bago hinaplos ang kaniyang buhok. May isang taon na ang nakakalipas nang mangyari ang aksidenteng iyon. Naging hot topic iyon sa tv at mga pahayagan. Pero kahit saan man niya hanapin ang balita patungkol sa kanila ng estrangherong lalaki'y wala siyang makuha. Hanggang ngayo'y hindi niya alam ang pangalan nito. Kung kaibigan ba ito ni Martin, dahil ang huli niyang natatandaa'y sinabi nito sa kaniyang nasa maayos nang kalagayan ang kaniyang mama kasama ang kaibigan nito. Naaalala niya pa rin ang bawat matatamis na salitang sinabi ng binata habang pilit siya nitong inililigtas. Ang pagtawag nito sa kaniya ng "sweetie, babe at honey" tila ilang libong kuryente ang nanunulay sa kaniyang dibdib sa tuwing naaalala niya ang manly nitong boses. Ang malambot nitong labi at ang expressive nitong mga mata. "I've been so in love with a stranger Lola. What should I do?" Malungkot niyang sabi na ikinabuntong-hininga ng kaniyang Lola Katarina. - ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ybrahm habang papasok sa malaking bahay ng kaniyang Lolo. Pinilit siya nitong umuwi sa San Ignacio para doon pansamantalang maglagi. Hanggang ngayon kasi'y nag-aalala pa rin ito sa kaniya. Kahit na isang taon na't mahigit ang nakakalipas simula nang lumubog ang barkong kinalulunaran daw nila ni Martin. Well, obviously, wala siyang maalala sa pangyayaring iyon. The last memory he had was when he tried to overtake a girl in the counter. Damn, nagmukha siyang bastos. "Ybrahm, apo!" Kahit na siyamnapu't tatlong taon na ang kaniyang Lolo'y malinaw pa rin ang paningin nito. Iyon nga lang, bilanggo na ito sa silyang de-gulong. "Lo, you know I hate being far from my work." "Apo, magtatrabaho ka rin naman dito. Pamahalaan mo ang buong hacienda." Matatas pa rin sa pagsasalita ang kaniyang Lolo. Hindi na siya magtataka kung pati memorya nito'y malinaw pa rin. Pabagsak siyang naupo sa sofa na nakaharap sa malaking hagdan. "Bakit hindi na lang si Papa ang mamahala rito? After all, dito na siya lumaki." Sabi niyang kunot ang noong nakatitig sa isang malaking larawan. Pangalawang beses pa lang siyang nakakatuntong sa mansiyon ng kaniyang Lolo. Ang una'y noong sampung taong gulang pa lang siya. Halos labing-siyam na taon na pala ang nakakalipas. "Who is that?" tanong ni Ybrahm na salubong pa rin ang kilay na nakatitig sa larawan ng isang dalaga. "She looks familiar." Marahang itinulak ng isa sa mga nurse ng kaniyang Lolo ang wheelchair nito palapit sa apo. Nang nasa tabi niya na ang matanda'y sinundan nito ng tingin ang bagay na tinitingnan niya. "Siya ba ang ipinalit mo kay Lola?" Taas ang kilay na tanong ni Ybrahm sa matanda. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ng kaniyang Lolo. "She's my first love." "What?" Hindi makapaniwalang nakatitig lamang si Ybrahm sa matanda. "Lolo, kahit na first love mo ang babaeng iyan, nakakabastos kay Lola kung mas malaki pa ang larawang iyan kaysa sa kaniya." Of course panig siya sa kaniyang Lola na matagal nang namayapa. Hindi niya matatanggap na mas malaki pa ang picture ng first love ng kaniyang Lolo kay sa kaniyang Lola. Unfair iyon sa Lola niya. "Apo, hindi mo maiintindihan." "Kung ganoon ipaintindi niyo sa akin. Hindi niyo ba minahal si Lola?" "Oh, young man, minahal ko si Julia. Pero hindi mo ako masisisi kung hanggang ngayo'y mas mahal ko si Katarina." Sagot ni Ybarro sa kaniya. "Lolo..." "Parehong malaki ang utang na loob namin ni Julia kay Katarina." Kahit hindi niya hilingin sa kaniyang Lolo ay kusa itong magkukuwento ng tungkol sa babaeng nasa larawan. "She's the reason why you're here. Kung hindi ko pinakasalan si Julia gaya ng pakiusap niya'y hindi ko magiging anak si Joaquin." Hindi niya makuha ang gustong ipunto ng kaniyang Lolo. Pero isang bagay lang ang nakuha niya. Marahil ay nagparaya ang first love ng Lolo niya para sa kaniyang Lola Julia. "Ang Lola mo mismo ang may gustong ilagay ang larawan ni Katarina riyan. After all, she owned everything we have." "What are you talking about, Lolo?" "Si Katarina ang nagbihis, nagkupkop at nagpakain kay Julia noong mga panahong parehong namatay ang mga magulang niya. Your grandma adored her very much, na susundin niya ang kahit anong iutos ni Katarina. Plano naming magtanan ni Katarina noon nang mamatay ang kaniyang Papang sa atake sa puso. Lahat ng yaman nila'y mapupunta kay Katarina kung hihiwalayan niya ako't magpapakasal siya kay Crisostomo." "Pinili niya ang yaman kaysa sa iyo." Walang ganang sabi ni Ybrahm. Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ni Ybarro. "Pinili niyang magpakasal kay Crisostomo pero kapalit niyo'y ililipat ang buong yaman niya sa pangalan ko." Dahil sa narinig ay nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa kaniyang Lolo kasunod ay sa larawang nasa harap. "I don't understand." "Ayaw sa akin ng Papang ni Katarina dahil isa lamang akong trabahador sa maisan ng kanilang pamilya. Pero mahal ako ni Katarina, isinakripisyo niya ang kaligayahan kapalit ng yamang ipagkakaloob niya sa akin. Mas gugustuhin niya raw na sa akin mapunta ang lahat ng iyon kaysa kay Crisostomo. Si Crisostomo na kaya lang siya gustong pakasalan ay dahil sa yaman niya. At ang huling kahilingan niya'y magpakasal kami ni Julia." "Oh god, so you're saying..." "Everything we have was because of her. Sa kaniya galing ang lahat ng meron tayo ngayon. She's the reason why you can easily get anything you want, Ybrahm." Halos hindi madigest ni Ybrahm ang mga sinabi ng kaniyang Lolo. Diyata't may malalim na kuwento pala ang kanilang pamilya. Na kaya pala sila mayaman ay dahil sa first love nito. Dapat nga siguro siyang magpasalamat. "Nasaan siya ngayon? O kung buhay pa ba siya?" "Ang huling sulat na naipadala ko'y noong 1950 pa apo. Ang ibang sulat kasunod niyo'y bumalik sa akin. Inilayo na ng tuluyan ni Crisostomo si Katarina. Pero hanggang ngayon, pinipilit ko pa rin siyang ipahanap sa ilan kong mga tauhan. Dahil ipinangako kong kapag nahanap ko siya'y ibabalik ko ang dapat ay sa kaniya." Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Ybrahm bago muling tinitigan ang larawan. She really looks familiar. Hindi dahil sa nakita niya ito sa panahon ng Lolo niya kundi dahil parang nakita niya na ito sa panahon ngayon. "Alam ba ni Papa ang tungkol kay Katarina?" "Alam niya, isa siya sa nagpapahanap ngayon sa posibleng kamag-anak ni Katarina, Ybrahm." "So, any lead to this first love of yours, Lolo?" "Yes, apo." Malaki ang ngiting sagot sa kaniya ng matanda. "Sa San Antonio Mansalay." "Mindoro?" Ewan ba ni Ybrahm pero bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Siguro dahil iyon sa pangyayaring hanggang ngayo'y hindi niya mahanap sa kaniyang isipan. "Yes, and I'm sending you there. Pero hindi ka sasakay sa barko dahil baka ikamatay ko na kung may mangyari na naman sa iyong hindi maganda." "Lolo, I thought I'm going to stay here?" Kunot ang noong tanong niya sa nakangising matanda. "Well, you keep mentioning that she's familiar to you. Kaya nagbago ang isip ko." May ngiti sa labing sagot ni Ybarro bago siya tinapik sa balikat. "Ivan will take you there. He already rent a rest house in San Antonio. Doon ka pansamantalang tutuloy." Sabi nito habang minamanduhan ang nurse na itulak na ang wheelchair palayo. "But..." "Bago ko pala makalimutan." Pahabol nito bago lumingon sa kaniya. "The woman you saved last year sa barko. I want you to find her, and marry her." "What?!" Biglang napatayo si Ybrahm mula sa pagkakaupo. "I won't marry someone I don't know!" "My love letter for Katarina was found in her cardigan na siyang nakatali sa katawan ninyong dalawa bago kayo iniligtas ni Martin. She could be her granddaughter." Huling sabi ng kaniyang Lolo bago siya nito tuluyang iniwan. Oh s**t! First, he's still in the verge of remembering what happened a year ago. Second, the love story of his grandfather's giving him a hard time to digest everything. And now, the old man's asking him to find a certain woman and marry her? What is happening on earth? - "MAGANDANG umaga Tinay!" Malakas na pagbati mula sa bangkang kadadaong lang. Naroon si Kevin na kumakaway sa kaniya. Kababata niya ito. "Good morning din Kevin. Mukhang madami ang huli ninyo ngayong araw ah." Pagpansin niya sa mga balde ng isdang ibinababa mula sa malaking bangka. "Ah oo, mukhang mapagbigay ang dagat ngayon. Ito nga pala, sa iyo na ang isa." Sabi nito habang iniaabot ang malaking lobster. "Naku, huwag na, baka makabawas pa sa kikitain ninyo ni tatang Jose." Tukoy niya sa tatay ni Kevin. "Hayaan mo na, Tinay. Isa lang naman talaga ang kailangan namin para sa bisitang darating ngayon sa rest house ni Kapitan." Pagsagot ni Tatang Jose sa pagtanggi niya kay Kevin. "Sino hong bisita?" tanong niya habang tinatanggap ang lobster na iniabot ni Kevin. "Hindi namin kilala, basta mayaman at galing sa Maynila." Napapatango na lamang si Tinay saka nagpaalam. Ipapaluto niya na lang sa kaniyang Mama ang lobster. Masarap iyon kung gagataan. Bago makapasok sa gate ng kanilang bahay ay napansin niya ang paglabas ng isang lalaki sa kabilang rest house. Iyon ang rest house na tinutukoy ni Tatang Jose. Marahil ay ang lalaki ang bisita ni Kapitan. Kibit-balikat na lang na pumasok siya. Excited siyang ipinakita ang hawak sa kaniyang Lola na abala sa pagtanaw sa malawak na dagat. "Apo..." pagtawag nito nang makalampas siya sa kaniyang Lola. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa puwesto nito. "Bakit po?" Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nito. "Wala, naaalala ko lang si Ybarro." Sagot nitong nakatitig sa lalaking nakatalikod. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kristina bago hinarap ang kaniyang Lola. "Umaasa pa rin ho ba kayong mahahanap ka niya Lola?" "Walang imposible sa mundo. Lalo na sa taong lubos na nagmamahalan." "Hindi ko kayo maintindihan Lola. Siguro dahil sa hindi ko pa nararanasan ang mahalin rin ng taong mahal ko." Malungkot niyang sabi bago hinalikan sa noo ang matanda. "Kapag nahanap niya kayo Lola, ako ang unang matutuwa dahil alam niyo namang ako ang number one fan ng love story ninyo." Pabungisngis niyang sabi bago ito iniwan na nakatanaw pa rin sa malayo. "Siguro nga dahil sa mahal pa rin kita Ybarro kaya parang nakikita kita sa katauhan ng iba." Narinig niyang bulong ng kaniyang Lola habang nakatingin pa rin sa lalaking nakatalikod. Napapailing na tuluyan na lang siyang pumasok sa loob. Hindi na siya makapaghintay na matikman ang lobster na dala. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD