NANGINGINIG ang katawan ni Lily nang sa pinto pa lang ay nakita na niyang pinagtutulungan ng mga doctor at nurse na i-revive ang kanyang ina. Nakikita rin niya na tuwid na ang mga linya sa vital signs monitor. “Ma!” sigaw niya. Kaagad na lumapit. Gumuho ang mundo niya nang makitang kulay ube na ang balat at bibig ng kanyang ina. Indikasyon na wala na itong buhay. Binaba na rin ni Doc Gerry ang defribillator shock at malungkot itong umiling sa kanya. “Doc! Subukan mo pa! Hindi ka pwedeng sumuko!” sabi niya na kulang na lang ay lumuhod sa harap ng doctor. “I’m sorry, Lily, pero wala na akong magagawa.” “Hindi, Doc! Subukan mo pa!” Pagmamakaawa niya. Hilam ng luha. Dala marahil ng awa ay sumunod si Doc Gerry sa sinabi niya. Kasabay nang pag-alsa ng katawan ng kanyang ina dahil sa paghi