CHAPTER FORTY-SIX

1863 Words

“’DI BA ang sabi ko sa iyo, magpahinga ka muna?” Gulat si Lily nang makita si Caden. Sinabihan niya ito na huwag muna mag-duty hangga’t hindi pa gumagaling at huwag nang alalahanin pa ang mga gastusin dahil silang mag-asawa na ang bahala. “Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa, Ma’am Lily.” Bumuntong-hininga siya. “Kung ganoon, dito ka na lang sa snack para mag-serve. Huwag ka muna sa delivery dahil baka kung paano ka pa.” “Okay po, Ma’am.” “Kung sana kasi nagpahinga ka na lang sa bahay niyo,” aniya. Bagaman natuyo na ang sugat nito sa kilay at bibig ay halata pa rin ang mga pasa nito sa buong mukha. Napansin rin niya na paika-ika pa itong naglakad. Kibit-balikat lang ang sinagot sa kanya ni Caden. Tinalikuran siya nito. Kumuha ng mop. Sinimulan ng linisin ang sahig. Walang nagawa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD