“Colt,” anas ni Lily nang pagpasok pa lang sa entrance sa sosyal na bar na iyon ay agad nahanap ng mata niya si Colt. Parang piniga ang puso niya nang makita na mayroon itong kahalikan na seksing babae na nakasuot ng glittery tube above the knee dress na mayroong maghabang slit. Kilala ang bar na iyon na puntahan ng mga mayayaman na mahilig gumimik. Ang babaeng naroon ay halatang nagpapatalbugan sa mga sexy na suot. Pulido rin ang mga makeup na animo’y sinadya pa sa parlor. Habang ang mga lalaki naman ay nakasuot mga coat o business suit. Walang lugar sa puso niya ang manliit sa mga oras na iyon kahit siya lang ang may ordinaryong kasauotan sa lahat ng naroroon sapagkat ang utak niya ay abala sa pag-iisip ng paraan kung paano makausap si Colt na hindi siya pagtatabuyan. Makailang ulit