“Eat your food, Lily.” Hindi sumagot si Lily sa sinabi na iyon ni Conrad bagkus nanatili siyang nakayuko. Nasa harap sila ng dining table. Walang siyang ganang kumain kahit nasa harap pa niya ang mga paboritong pagkain. “I said eat your food!” singhal ni Conrad na kinakislot niya. Nakalikha ang ng malakas na ingay ang paghampas nito ng table gamit ang kamay. Pigil niya ang pagtulo ng luha habang sinimulan na ang pagkain. Ilang araw na siyang madalas na sinisinghalan ni Conrad. Konting kibot ay nagagalit ito. Wala na siyang cellphone. Kinumpiska nito dahil ayaw daw nito na may kinakausap siya o tinatawagan. Bantay sarado na rin siya. Hindi na siya nito pinalalabas ng mansyon, kaya ngayon ay halos mabaliw-baliw siya sa pag-aalala sa kanyang ina. Ni hindi niya matawagan si Rina para kumus