MABILIS ang mga hakbang na bumalik si Colt sa kanyang kwarto nang masiguro na nakaalis na ang kanyang ama. Kahit siya ay nagtataka rin kung bakit nawala si Lily dahil wala naman ibang mapagtataguan sa kanyang kwarto. Naghanap siya. Sa closet, banyo at maging sa veranda. Tumingin pa siya sa ilalim dahil baka tumalon si Lily doon. Ngunt imposible dahil napakataas ng gusaling iyon. Isa pa, kalmado naman ang nasa ilalim. Wala naman siyang nakikitang pinag-uumpukan. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang utak. “Lily!” sigaw niya. “Colt, tulungan mo ako.” Tumigil siya sa paghakbang para mapakinggan kung saan galing ang boses na iyon ni Lily. Nasapo niya ang kanyang noo. Pigil ang tawa nang makitang gumalaw ang kanyang maleta. Paano nagawang pagkasyahin n