KASAMA ni Lily ang buong angkan ng mga Ventura. Kasalukuyan silang nasa picnic area ng rancho pagmamay-ari ng pamilya nina Corbin. Narinig niya sa pag-uusap kanina na himala raw na si Conrad mismo ang nagyaya doon dahil hindi raw ito dumadalo sa mga family reunion at himala rin daw na sumama si Colt. Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon ang reaksyon ng ibang Ventura sa mag-ama dahil napapansin nga niya na aloof ang mga ito. Bagaman nakihabubilo ngunit tahimik lang sa isang tabi. Masuwerte na kung ngingiti o magsasalita. May nararamdaman siyang kakaiba sa mag-ama na hindi niya matukoy kung ano. Hindi naman sumasagot si Colt kapag tinatanong niya kung ano ang problema. Ipinagatataka rin niya ay pinigilan siya nito na makipaghiwalay sa kanyang ama. Hindi pa raw iyon ang tamang panahon.