NAKATAYO si Colt sa harap ng kwarto ni Lily. Natatalo ang kanyang isipan kung dapat ba siyang pumasok doon. Hindi niya alam kung puso o utak ba ang paiiralin. Alam naman niya na mali kung ipagpapatuloy pa nila ni Lily ang kanilang relasyon ngunit bakit hindi niya mapigilan ang sarili? Ilang araw niya itong iniiwasan. Tiniis niya na hind ito mayakap o mahalikan. Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya sa kanyang sarili na umabot sa puntong halos mabaliw na siya. Kanina sa ranchette ni Tito Charlie ay hindi na niya napigilan ang sarili ipabatid kay Lily kung gaano niya ito nami-miss. Ni hindi man lang niya naisip na ilang dipa lang ang layo ng kanyang ama nang hawakan niya si Lily sa kamay. Sinundan pa niya ito nang mag-walk out. Nakadama ng labis na takot nang kumurap lang yata siya ay tila