Chapter 11 Namilog ang mga mata ko nong maidilat ko ito mula sa pagkakagising. Una kong nasilayan ang kulay kremang kisame, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa bilis nito at pinagpapawisan ako ng malamig. Pamilyar ang lugar lalo na ang malambot na kama kong na saan ako ngayon. Agad akong naupo at nakaksigurado akong nasa silid na nga ako. May pumapasok na liwanag mula sa labas do’n sa pintong salamin ng terrace. “Paano ako napunta rito?” Tanong ko sa sarili ko. Ang pagkakaalala ko nasa loob ako ng madilim na silid, hindi kaya nanaginip lang ako? Yumuko ako ng bahagya at sinilip ang suot kong damit. Suot ko pa rin ‘yong maroon na cloak na binigay sa ‘kin kagabi. Bumalik ako sa realidad nong makarinig ako ng katok mula sa pinto. Agad kong nilisan ang kama ko. Halos matalisod pa ako sa k