Chapter 10 “Maari bang mangyari ‘yon?” “Totoo ba ‘yong nakikita ko, nagbabago yong kulay ng tubig galing sa dugo niya?” “Imposibleng dalawang bahay siya nabibilang.” ‘Yon ang samu’t sari kong naririnig na bulung-bulungan mula sa mga estudyante. Ako rin napapatanong sa ‘king sarili, kong dati iniisip ko na baka walang lumabas na kulay ngayon naman naman dalawang kulay ang lumalabas? Totoo ba ito? Nagbabago ang kulay ng tubig mula sa maroon, brown bago ito tuluyang nawala at bumalik sa dating kulay ng malinis na tubig. Dahan-dahan kong binalik ang tingin kay albumem na manghang-manghang nakatitig sa ‘kin at katulad niya’y hindi siya makapaniwala. “Avery, ano ang iyong buong pangalan?” Tanong nito. “Avery Lestrange.” “Maari kang pumili sa dalawang bahay na lumabas tubig, saan mo gust