Chapter 56 TULALA akong nakatitig sa kawalan, binalik nila ako sa silid ko nang matapos ang pangyayari na ‘yon, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, nanghihina ako at napagod makipagtalo o labanan sila. Sobrang gulo na nang nangyayari sa amin rito. Hindi man lang nila ako pinakinggan. Naipikit ko ang mga mata ko at nag-echo ang mga sinabi sa ‘kin kanina ni Allisya bago niya lagutan ang sarili. Awang-awa ako sa kanya. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw, pero paano? Kakahintay ko ng oras. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako sa masamang panaginip. Kahit sa panaginip nakikita ko pa rin ang paghihirap nila Allisya at pagsigaw nila ng hustisya. Kasabay nu’n kinusot-kusot ko ang mata ko nang makarinig ako ng mumunting ingay. Nanatili akong nakahiga sa kama at pin