Chapter 5

1196 Words
Chapter 5 “Avalon?” Tanong ko sa kanya na hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa mga taong nagkakasiyahan. Napaatras ako nong mapansin kong nagkakagulo sa dulo hanggang sa mapansin ito ng ilan at magtakbuhan para magtago. Naningkit ang mga mata ko nong makita kong may nakalutang sa eri na isang binata. Hindi ko gaano makita ang kanyang mukha ngunit ginagamita niya ang kanyang kapangyarihan para patamaan ng kidlat ang ilang mga inosenteng tao ro’n. Hindi ko man naririnig ang ingay nila ngunit malalaman mong nagkakaroon ng kaguluhan, iyakan ng mga bata at sigawan ng mga lalaki. Biglang lumabas ang iba’t ibang halimaw sa madilim na parte ng lugar at parang dahan-dahan nilalamon ng pulang buwan ang araw. Dumidilim ang kalangitan at lalong nagkagulo nong may sumabog sa parte ng mga gusali. Nagtalsikan ang ilan at makikita mo na lang na naliligo na sila sa sarili nilang mga dugo. “Anong nangyayari?” “Isang hidwaan ng mga malalakas at makapangyarihang nilalang sa Avalon. Ito ‘yong panahon na nagkaroon ng hidawaan sa dalawang estado, ang Onyx at ang Peridot. Gustong sakupin ng itim na prinsipe ang kaharian, dati siyang prinsipe ng Onyx ngunit pinatay niya ang kanyang mga magulang kaya siya napatalsik.” Paliwanag nong binata. Bigla na lang tumalsik ang binata sa eri at bumagsak sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao. Dumating ang mga animoy kawal na nakasuot ng pilak na boleti at sakay ng mga kabayo patungo sa binatang bumagsak. “Sino siya?” “Hindi pwedeng banggitin ang pangalan niya kong ayaw mong kunin niya ang kaluluwa mo at kainin,” sabi nito. Dahan-dahan nawala ang imahe na kanyang ipinapakita hanggang sa makita ko na lang na nakatayo na kami sa dulo ng eskinita, malapit sa bukana ng sidewalk kong saan pwede na kaming lumabas at bumungad sa amin ang ingay ng mga taong naroon. Humarap ako sa kanya na puno pa rin ng pagtataka at maraming katanungan sa isip ko. “Noong mga panahon na ‘yon, kailangan itago ang ilang mga Avalonian sa mundo ng mga tao at sa takdang panahon ay ibabalik din sila rito. Ngayong maayos na ang Avalon lalo na ang Onyx at Peridot na may magkahiwalay na pamumuno dahil sa magkaiba nitong paniniwala naging tahimik muli ang mundo natin. Lalo na’t naikulong at naitapon na ang kalaban sa kong saan sa mundong ito. Ngunit hindi lahat ay naililigtas lalo na’t umuunti na lang kayo, maswerte na may maiuwi kaming mga gems at kawal sa Avalon ng mga isa o dalawa.” “Ako nga pala si Bron,” pakilala niya. “Avery,” sabi ko naman pabalik. “Sobrang magkaiba ang Peridot at Onyx. Ang Peridot dito nabubuhay ang mga makasalanang tao galing sa Onyx, mga gumagamit ng mali at itim na kapangyarihan. Mga nilalang at halimaw na kumakain ng Onyx. Ang Onyx naman ay lugar at kaharian ng mga putting mangkukulam. Alam kong malilito ka sa nangyayari ngunit isa kang espesyal na Avalonian at kailangan mo ng umuwi sa tunay mong mundo.” Dagdag pa ni Bron. Alam kong ampon ako, hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang dahil lumaki ako sa bahay-ampunan, inampon ako at pinalaki ni Mr. Lestrange, ni ama. Ngunit hindi pumasok sa isip ko na galing ako sa kakaibang lugar o mundo. Napailing na lang ako sa kanya, “hindi ako naniniwala sa ‘yo, mukhang nagkakamali ka lang at hindi ako tulad ninyo.” Tumango-tango lang siya, “sigurado ka ba dyan?” “Oo, maraming salamat na lang sa lahat lalo na’t tinulungan mo ko pero kailangan kong bumalik kila ama kasi alam kong dito ako nababagay, alam kong dito talaga ako at hindi katulad ninyo.” Hindi siya umimik kaya tumalikod na ako at handing lumabas sa eskinita ngunit pinigilan niya ako nong hawakan niya ako sa braso. Do’n ko lang napansin na sobrang tangkad niya kaya kailangan kong tumingala. Binitawan din niya ako. “Mas okay kong ganyan ang itsura mo.” Nagtataka ako kong anong ibig niyang sabihin kaya napasulyap na lang ako sa damit ko na ngayo’y napakalinis na at parang walang nangyaring gulo kanina. Napasulyap ako sa kanya na punong ng pagkamangha. “Maraming salamat.” “Pero kong sakaling kailangan mo ko tawagin mo lang ang pangalan ko.” “Hindi na kita kakailanganin pa dahil alam kong kaya ko ang sarili ko, mag-iingat ka na lang.” Sabi ko sa kaya tuluyan na akong nakalabas sa eskinita. Pakiramdam ko wala ng panganib na susunod at para bang ‘yon ang huli kong engkwentro ko sa mga halimaw na ‘yon. Iisipin ko na lang na hindi ko sila nakita at mas lalong iisipin kong wala akong alam tungkol sa sinabi ni Bron tungkol sa mundo ng Avalon. NAGLAKAD lang ako dahil alam kong wala akong pera para sa pagkain at para sa pamasahe pauwi. Kahit na tatlong araw pa lang kami sa lugar na ‘yon ngunit kahit pa paano’y kabisado ko na ang lugar. Pumasok ako sa isang lugar at sirang gate. Sa loob ng compound na ‘yon ang sira at lumang hotel ngunit hanggang ngayo’y ginagamit ito. Hindi ko alam kong bakit may iilan pang nakatira ro’n. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng hotel nong makita ko sila ama at ang grupo nito na papalabas. Mukhang aalis na sila at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nila ako maiiwanan. “Ama, aalis na ba kayo?” Tanong ko sa kanya ngunit tinitigan lang niya ako. Humarang ang ilang guard niya, para bang kalaban ako at kailangan siyang protektahin mula sa ‘kin. Tinitigan ko sila sa mga mata at may halong pagtataka ang mga ito. Na para bang ngayon lang nila ako nakita. “Sino ka ba iha?” Tanong ni ama na siyang kinagulat ko ng husto. “A-ako po ito si Avery, yong ampon ninyo, kasamahan ninyo ako rito,” sabi ko ng kalmado ngunit kinakabahan na ako sa nangyari, ano nga bang nangyayari? Nagkatinginan sila at para bang nagtatanong sa isa’t isa. “Iha, hindi kita kilala, ngayon lang kita nakita? Wala akong kilalang Avery?” “Nag-joke po ba kayo? Imposibleng hindi ninyo ako nakikilala---” Hindi na ako pinatapos ng isa niyang guard, “miss kong manggugulo ka lang ‘wag mo ng subukan, hindi mo kilala ang binibiro mo kong gusto mo pang mabuhay at saka kailangan na naming umalis. ‘Pag sinabing hindi ka kilala, hindi ka kilala kaya ‘wag mo nang ipagpilitan, naiintindihan mo ba?” Seryoso nitong wika. Tulala akong nakatayo ro’n at hinayaan lang nila akong lagpasan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na siyang parang nagpatigil sa ‘kin. Nagising lang naman ako sa kakahuyan tapos nangyari na ang lahat ng ito? ‘Yong kakaibang panaginip? Totoo ba ito o nagbibiro lang ang tadhana? Muli akong napasulyap sa kanila at isa-isa silang sumakay ng kotse. Muli kong naalala yong gulong nangyari sa kakahuyan, niligtas ko si ama, hindi man lang nila ako tinulungan na makaalis do’n? Iniwanan nila ako, ito ba ang paraan nila para iwan ako? Pero hindi ko pa rin makalimutan na alam kong namatay ako, muli lang nabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD