Chapter 6
TULALA lang akong nakaupo sa labas ng isang tindahan malapit sa lumang hotel kong saan ako nang galing. Hindi pa rin ako makapaniwala, nagsabay-sabay na ang lahat, ang gutom ko, naabutan na ako ng dilim at hindi ko alam kong saan kukuha ng pagkain. Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa ‘kin ito. Saan na ako pupunta nito? Napakalamig ng simoy ng hangin at ako lang mag-isa. Pinilit ko pa na kilala nila ako ngunit pinagdabuyan at binantaan pa nila ako.
“Kumusta ka na?”
Napatingala ako sa direksyon ng boses mula sa harapan ko. Bahagya akong nagulat na nasa harapan ko si Bron ngayon, gusto kong magtanong kong paano siya nakapunta ro’n at paano niya nalaman kong na saan ako? Ngunit hindi ko nagawa dahil mas nangingibabaw ‘yong pag-aalala ko sa mga nangyayari.
Lumapit siya sa ‘kin at naupo sa tabi ko.
“Hindi ka pa ba sasama sa ‘kin?” Tanong niya.
“Bakit naman ako sasama sa ‘yo?”
“Katulad ng sinabi ko sa ‘yo, hindi ka nababagay dito, may mundong para sa ‘yo at ‘yon ang kailangan mong tanggapin. Mag-isip-isip ka na bago pa man kita iwan dito? May oras ang pagsasara ng lagusan patungong Avalon. Hanggang alas-otso pa bukas ito, pagnasaraduhan tayo, kailangan pa natin maghintay ng susunod na pagbukas nito na mangyayari pa sa susunod na buwan.” Paliwanag ni Bron.
Nakatulala ako sa mga taong nagdaan at sa mga kotseng nagtatakbuhan sa kalye. Nagdadalawang-isip ako kong sasama ako sa kanya at maniniwala. Ang hirap pa rin paniwalaan ang lahat. Hindi pa ako nakakapag-isip ng maayos ng marinig ko na naman siyang magsalita sa ‘king tabi.
“Magkakaroon ka ng bagong tirahan do’n, bagong buhay, pagkain, pamilyat at kaibigan.”
Napasulyap ako sa kanya, “paano ka nakakasigruong makikita ko ang pamilya ko ro’n?”
“Hindi ako sigurado dahil halos lahat ng mga magulang ng mga sanggol na itinago sa mundo ng mga tao namatay dahil sa digmaan sa Avalon, ang tangi ko lang masasabi na magkakaroon ka ng bagong pamilya at tirahan na para sa ‘yo.” Seryosong wika ni Bron.
“Sasama na ako,” kailangan ko rin ang mga sinabi niya ‘yon na lang siguro ang makapagsalba sa ‘kin para ako’y mabuhay.
“Magandang desisyon, Avery,” tumayo siya at pinagpagan ang damit niya.
Ganu’n din ang ginawa ko sa suot ko nong tumayo ako.
“Kailangan na nating umalis bago pa man tayo masaraduhan,” sabi niya na may pagmamadali.
Palinag-linga siya sa paligid na para bang mapagmatyag sa mga nakapalibot sa amin. Hindi na ako nagsalita o nakipagtalo pa sa kanya at agad akong sumunod sa kanya. Hindi ko alam kong saan kami papunta kaya hinayaan ko na lang siya at siya lang naman ang nakakaalam. Pasikot-sikot kami sa bangketa hanggang sa makarating kami sa lugar kong saan siksikan ang mga tao at humahalo ang iba’t ibang panindang pagkain sa hangin lalo na ang inihaw. Kaya lalo akong nagugutom ngunit hindi ko ito pinansin.
“Dalian natin,” hinila na niya ang kamay ko at lalo siyang naglakad ng mabilis.
Halos matamaan ko ang ilan hanggang sa atomatiko akong napasulyap sa likod. Laking gulat ko na lang na may lumilipad na malaking paniki sa uluhan ng mga tao. Nakangiti ito sa ‘kin nong makita niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi siya napapansin ng mga tao maliban sa amin ni Bron. Mahaba ang buhok niya at kita ang hubad niyang katawan na isa siyang babae. Mabalbon at itim ang katawan nito. Matatalas ang ngiti at mahahabang kuko. Mas lalong nakakatakot ang mapupula niyang mga mata.
Nabitawan niya ako nong hindi na ako makasunod at lalong dumami ang tao sa paligid. Pinilit kong humabol kay Bron at hindi ko nagawa pa.
“Bron!” Tawag ko sa kanya, “hintayin mo ko!”
Nakita ko na lang na napahinto siya at talagang hinintay akong nakatayo sa gitna ng maluwag na bangketa. Nong makalabas ako ro’n agad niyang nilabas ang espada niya. Nakuha namin ang atensyon ng ilan, may ilang namangha at may ilang natakot sa amin.
“Halika na!” Tumakbo kami sa hudyat ng sigaw niya.
Pumasok kami sa eskinita at tuluyan kaming nahabol nong panicking halimaw. Napakalaki ng pakpak niya ngunit tahimik itong pumapagaspas sa eri kaya wala kang mararamdamang hangin.
“AHHH!”
Napasigaw ako sa gulat nong may hublot sa buhok ko at hindi ko na maramdaman ang lupa. Naramdaman ko na lang na umangat ako sa eri. Dahan-dahan umaangat. Nakita agad ako ni Bron dahil sa pagsigaw ko at nagulat siya sa ginawa sa ‘kin nong paniking babae. Gustong bumitaw dahil nasasaktan na rin ako.
Bago pa man ako tuluyang umangat sa eri nahila ako ni Bron pabalik at bumagsak kami parehas. Napaibabaw ako sa kanya at nabitawan niya ang hawak niyang espada sa uluhan niya. Agad akong tumayo at kinuha ang espada niya. Bago pa man makalapit ang paniki sa amin agad kong tinarak sa mismong dibdib niya ang espadang hawak ko. Nanggigigil ako at bigla na lang siyang sumabog. Nagkalat ang mga buhangin sa sahig at ang ilan sa amin. Do’n ko lang napansin na nasa pagitan pala ng mga paa ko si Bron na manghang-manghang nakatingin sa ‘kin.
Nakarinig ako ng kakaibang ingay na papalakas papunta sa direksyon namin.
“Halika na!”
Nagkaroon ng liwanag mula sa likuran namin, umalis ako sa kanya at sinulyapan kong saan nang gagaling ang liwanag. Galing ito sa dulong eskinita sa may pader, bigla na lang nagkaroon ng pintuan do’n at hindi ko alam kong saan ito papunta.
Bumalik ako sa realidad nong kunin niya ang espada niya mula sa ‘kin at hinablot ang braso ko. Sabay kaming tumakbo patungo sa liwanag na ‘yon at patuloy pa rin ang ingay na papalapit sa amin. Hingal na hingal ako at kahit na hindi ko sila nakikita ramdam ko na ang kalabog ng dibdib ko. Nakapasok kami sa bukana ng pader at bago pa man magsara ang pinto nakita ko pang papalapit sa amin ang mga paniki. Malapit na at hindi mabilang na grupo ng paniki hanggang sa tuluyang magsara ang buong pader.
Rinig na rinig ko ang paghinga ko at kay Bron. Nawala rin ang liwanag at dumilim ang paligid ngunit alam kong na andyan sa tabi.
Bigla na lang nagkaroon ng liwanag at humarap kami ro’n. Nakita ko ang kahabang pasilyo. Nasa loob kami ng mahabang pasilyo, dahan-dahan at kosang nagsindi ang mga katipong na nakasabit sa magkabilang pader ng pasilyo.
Naunang naglakad si Bron na hingal na hingal pa rin.
“Na saan na tayo? Nasa Avalon na ba tayo?”
“Malapit na.”
“May mga kalaban pa ba?”
“Wala na tayo sa mundo ng mga tao, nasa tawiran na tayo patungong Avalon.”