Chapter 7
Sinusundan namin ang mga ilaw na katipong sa pader at habang papalapit kami sa dulo ng pasilyo nong makita ko ang maliit na tuldok na liwanag. Papalapit kami sa liwanag na ‘yon kaya mas lalo itong lumalaki hanggang sa nilamon kami ng liwanag at makalabas kami ng pasilyo. Naririnig ko ang malakas na agos ng tubig sa malapit, ang malakas na simoy at malamig na hangin. Tuluyan kong naidilat ang mga mata ko para makita ang kabuuan ng lugar kong na saan kami ngayon. Hindi ko mapigilang mamangha.
“Maligayang pagdating sa Onyx, sa mundo ng Avalon,” seryosong wika ni Bron ngunit may halong pagmamalaki sa pananalita niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, dahil sa sobrang nakakamangha at hindi ako makapaniwala na may nag-exist na ganitong lugar o mundo. Nakatayo kami sa kristal na tulay patungo sa isa pang lugar at nang galing kami sa loob ng isang mabatong bundok. Makikita sa baba ang malawak na dagat at mga barko ro’n. May talon malapit sa bundok na parang kristal sa linaw ng tubig.
“Halika na para makahabol pa tayo sa agahan sa Linux,” sabi niya saka muli siyang naglakad.
Habang sumusunod ako hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang nakakalulang tanawin sa paligid ko. May ilang lumalabas galing sa mabatong bundok at hindi mabilang na tulay na kristal na nakakabit do’n patungo sa isang pang kapatagan.
“Ang ganda,” hindi ko maiwasang mapabulong sa ‘king sarili.
Ramdam na ramdam ko ang mahikang nababalot sa lugar na ito. Nakalagpas na kami ng tulay at sumalubong sa amin ang mga taga-Onyx na may kakaibang kasuotan mapalalaki man o babae. May mga nakikita akong apat na uring flag na nakasabit sa bawat parte ng mga lugar na nadadaanan namin.
“Ano ‘yong Linux?” Tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong sumabay sa paglalakad dahil mabilis siyang maglakad.
“Ang Linux ay isang paaralan malapit sa kastilyo ng mga hari, do’n nag-aaral ang lahat na gustong matuto kong paano nila magagamit ang kanilang kapangyarihan. Halos lahat ng nakatira sa Onyx kailangang tumungtong sa Linux para mag-aral bago sila makakuha ng kanilang trabaho at bago ka makatungtong ng palasyo kong gusto mong pumasok sa politiko.”
“Nahahati sa apat na bahay ang Linux kong paano kinogrupo ng konseho ang mga estudyanteng nakakapasok at apat na libel. Ang mga Agate ang pinakakilalang bahay sa Linux, dito nabibilang mga estudyanteng galing sa mga sikat na pamilya o kaya’y may malalakas na kapangyarihang nanalaytay sa katawan nila na kailangan na lang ilabas at hindi sila mahirap turuan dahil madalas na matatalino ang mga nasa Agate, ang simbolo nila’y kulay Kastanyas o Maroon sa mundo ng mga tao.”
“Ang mga Burmite naman ang humahawak sa asul na kulay, mas madalas na pang malakasan sila magaling, may lang mahika na alam ngunit tungkol ito sa pakikipaglaban o punong-braso. Kayumanggi naman para sa mga Hyalite, sila ang magagaling sa larangan ng medisina at tungkol sa mga halamnan. Madalas na napupunta ro’n ay ang mga taong galing sa lupa o engkanto. Ang Picotite naman ang nagsisimbolo sa kulay abo sa Linux, mas madalas silang tuso sa lahat ng bagay at mas madalas na manggagaya sila, kaya nilang gayahin ang kakayahan ng ibang kapangyarihan o mahika ng iba.” Paliwanag niya.
Hindi ko namalayan na nakalagpas na kami sa kumpulan ng kapatagan na ‘yon. Naglakakad na kami sa maingay at busy na lugar na para bang napakalaking bayan ng Onyx.
“Saan ka naman kabilang?” Tanong ko sa kanya.
“Sa Agate at kabilang ako sa grupong gems. Grupo ‘yon ng mga magagaling na estudyante sa Linux at sila rin ang madalas na pumupunta sa mga misyon sa loob o sa labas ng Avalon. May anim o sampung taon kang kailangan gugulin sa loob ng Linux bago ka makatapos o matawag na magaling na sa kakayahan ng isang mahika.”
Ilang beses siyang yumuko sa ilang nakakasalubong namin bilang pagbibigay galang sa mga ‘yon kaya ginagaya ko na lang siya kahit na wala pa naman talaga akong alam sa mga nangyayari.
“Paano ko malalaman na isa talaga ako sa inyo ni isang beses hindi ko pa nagagamit ang kapangyarihan na sinasabi mo? Hindi kaya nagkamali ka lang.”
Huminto siya kaya napahinto rin ako at humarap siya sa ‘kin, “hindi nagkakamali ang mga halimaw sa labas, sa oras na makita mo sila ibig sabihin nu’n kabilang ka na rito at hindi ako nagkakamali.”
Kumaway siya sa isang karwahe na huminto rin sa harapan namin. Na una siyang sumakay bago ako sumunod sa loob at sinara ang pintuan. Habang nasa biyahe kami patuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag na hindi ko gaanong naiintindihan at ilan lang dahil sa busy ako sa pagmamasid sa labas ng karwahe. Basta ang tangi ko lang naalala, libre ang matutuluhan sa loob ng Linux at pagkain. ‘Yon na ata ang pinakaimportante sa lahat.
Sa halos kalahating oras na biyahe namin at makalagpas sa bayan tuluyang kaming nakapasok sa isang lugar na napapalibutan ng mga nagtataasang puno. Nong makalabas kami ro’n habang papalapit nakikita ko ang isang kastilyo sa papaakyat na burol. Tatlong kastilyo katulad ng pinakita niya sa ‘kin. Nag-iisang malaki sa gitna at pinakatutok. Dalawa naman sa mababang bahagi ng burol na may magkapantay na taas at laki.
Habang papalapit din kami ro’n, lalong dumarami rin ang animoy estudyante, nakasuot ang mga babae ng long sleeve na puting damit, habang napapatungan ng chequered na brown na palda at vest. May nakikita akong pagkakaiba sa kanila, ang kulay ng suot nilang balabal o cloak, may brown, grey, maroon at blue. Ganu’n din sa mga lalaki ngunit pantalon naman ngunit hindi nawawala ang kulay nito katulad sa mga babae.
Huminto ang karwahe sa gitna ng mga estudyante. Una akong bumaba at nakuha ko ang atensyon ng ilan. Napakalaki ng kastilyo sa malapitan at kaya talaga nitong magpatira ng libong mga estudyante kong tutuusin. Para itong may pagka-Victorian era style sa lumang ng kastilyo, nakasabit ang apat na watawat na sagigas ng bawat bahay sa Linux at may ilang maliliit na nakatusok sa mga tore dahil merong sampung tore ang palasyo. Gawa sa mga matitibay na bato at bricks ang palasyo ng Linux. May ilang ugat ng mga halaman na umaakyat sa palasyo at hinayaan lang nilang ganu’n ito.
Magsasalita pa sana ako nong bumaba si Bron sa karwahe kasunod ko nong makarinig kami ng kaguluhan mula sa malaking pintuan ng kastilyo. Nagsigilidan ang mga estudyante para makadaan ang ilang mga kawal galing do’n na mga nakasuot ng bakal na balote. Dire-diretso sila hanggang sa kanya-kanya silang sumakay sa karwaheng nakaparada sa gilid. Isa-isa itong umalis na nakatanaw pa rin ang ilan sa papaalis na karwaherat kami rin ni Bron.
“Anong meron?” Hindi ko alam kong bakit bigla akong kinabahan sa mga oras na ‘yon.
Huminga ng malalim si Bron bago niya ako sagutin, “siguro kailangan pumunta sa boundary ng ng Peridot at Onyx. Simula nong lumabas kami ng Avalon, sunod-sunod na kaguluhan ang nangyari sa bayan dahil sa mga halimaw at ang pagkakaalam ko nakabalik na ang tinakwil na prinsipe sa Avalon, si Athran.”