Chapter 37 SA pagdilat ng aking mga mata nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa gitna ng pamilyar na kakahuyan, ito ‘yong kakahuyan kung saan ako pinatay. Palinga-linga ako sa ‘king paligid, hindi ko alam kung paano ako bakit hindi ako nakabalik sa infirmary? Dapat do’n ako magigising, hindi kaya naipasa ‘kin ang sumpa? May kumalukos sa likuran ko kaya agad akong napaharap kung saan nang gagaling ang ingay. Bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig sa mga gumagalaw na dahon sa may puno. Napaatras ako sa gulat nang may tumalon mula ro’n na isang malaking hayop, nanlaki ang mga mata ko nong makita ko na mas malaki pa siya sa ‘kin, kulay puti ang katawan na puno ng mga dilat na mata ang buo niyang katawan at naglilikot ang mabalahibo niyang buntot. Sabay-sabay na n