Chapter 38 NAKASUOT ako ng kulay cream na ball gown, may pagka-off-shoulder ang design nito sa balikat na may pa-balloon ang manggas na abot hanggang pulso ang haba, may mga linya itong kulay ginto at may mga burdang bulaklak na nakaangat sa tela kaya kahit magkaparehas sila ng kulay- kitang-kita ito. Nakatali ng bun ang buhok kong kulot gamit ang kulay gintong panali na siyang nagpapadagdag sa palamuti. Sapatos na kulay puti at pinatungan ko ito ng pulang balabal dahil malamig sa gabing ‘yon. Nakasuot naman ng kulay asul na ball gown si Io na kulay asul habang nakalabas ang pakpak niyang mala-paru-paro at nakasuot naman ng itim na tuxedo si Hendrix. Hindi ko alam sa ‘king sarili kung bakit ako kinakabahan ngayon kakapasok pa lang namin sa bulwagan. Napapalibutan kami ng samu’t saring ma