Chapter 18 NANG sumunod na umaga. Maaga akong nagising para unahan pa ‘yong mga kasama ko sa gems para magpakitang gilas sa kanila. Nong makarating ako ro’n halos madaling araw pa at wala pang katao-tao. Nong oras na binagsak ko ‘yong bag ko sa sahig agad akong nakarinig ng ingay mula sa mga hilera ng mga sandata. Napalingon ako ro’n at napakunot-noong napatitig kay Athran. “Anong ginagawa mo rito?” Kinuha niya ang palakol na maliit at pinaglaruan ito gamit ang isang kamay. Ilang beses din niyang pinalutang-lutang ito sa kanyang kamay. “Nag-aalala ka bang baka may makakita sa ‘kin dito kasama ka?” Hindi ko maiwasang hindi mapairap dahil sa sinabi niya. “Nag-aalala ka para sa ‘kin,” pagbibiro pa niya. “Nangangarap ka ng gising, alam mo ba ‘yon at saka isa pa, tigil-tigilan mo ko, kon