Chapter 17 NAMILOG ang mga mata ko sa gulat nong umatake uli siya at bago pa man niya magawa ‘yon ay agad akong umikot patagilid para hindi ako matamaan ng paa niya. Ngunit hindi ko nakita ang suno niyang nagawa dahil nakatalikod ako sa kanya dahil do’n nagawa niya akong masipa sa likod na lalo kong kinagulat. Sa sobrang lakas lumagpas ako sa platform at bumagsak sa sahig sa paanan ng ilang miyembro ng mga gems. Nakadapa akong nahulog do’n at wala man lang tumulong sa ‘kin. Dahan-dahan akong tumayo, nakita kong may gasgas ang magkabilang siko ko at may ilang dugo na lumabas doon. Lalo akong naiinis sa mga ginagawa niya. “Hindi ba pandaraya ‘to,” wika ko habang nakatingin sa kanya. “Walang sinabing rules sa laban kaya kahit ano pwede,” sabi ni Mia habang nakangisi. Huminga ako ng mala