JAMILLA Dahil hindi ako makabalik sa Maynila at kahit fully trained ako sa survival skills, hindi ko matakasan si Drake dahil isolated na isla pala itong pinuntahan namin. Mukhang binili niya ito para ikulong ako dito dahil hindi ko siya matatakasan kahit subukan ko. Napapaligiran kami ng malawak na karagatan at bundok sa likuran, pero batay sa observation ko, tanging bangka o chopper lamang ang puwede naming sakyan para makaalis dito. Solar ang gamit niya dito sa isla kaya may supply ng kuryente. Marami rin siyang supply ng pagkain at ang sabi ni Drake sa akin, kahit ilang buwan raw kaming tumira dito ay hindi kami magugutom. Nandito ako ngayon sa tabing-dagat at tahimik na pinapanood ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Nakaupo ako sa buhangin at balewala sa akin kahit wala ako

