JAMILLA Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin ako kay Drake. Kaharap ko siya dito sa mesa at kumakain kami ng almusal, pero hanggang ngayon, hindi niya sinasagot kung nasaan kami. Wala sa braso ko ang aking smartwatch dahil hinubad ko ito bago matulog kagabi nang naligo ako, kaya hindi ko matawagan si Aidan para makaalis ako dito. “Jam, eat, or else, ikaw ang kakainin ko,” pilyong sabi sa akin ni Drake. “Subukan mo at makikita mo kung paano ako magalit!” Tiningnan ko siya ng masama, pero tinawanan lang niya ako dahil alam naman niya na kahit nagagalit ako, ay mabilis rin itong nawawala, lalo na kapag naglalambing siya sa akin at kinukulit ako. Naglagay siya ng pritong bangus sa pinggan ko, pero pinigilan ko siya na lalagyan pa niya ito ng kanin. Paborito ko ang niluto ni Dr

