JACOB'S POV
ILANG-BESES kong pinagmamasdan mula sa loob ng kotse ko si Miss Shade. Hindi ko alam kung bakit nag-aabang ako sa kanya na umuwi ngayon. Samantalang kahapon lang ay para kaming aso at pusa. Curious talaga ako kung anong itsura kapag walang suot na salamin. Ang boses niya ay parang pamilyar sa akin na parang paulit-ulit ko na itong naririnig.
Dahan-dahan kong binuksan ang salamin ng kotse ko nang makita ko siyang palabas ng kumpanya. Tinitigan ko siyang mabuti habang papalapit ngunit nadismaya ako dahil nakasuot na siya ng salamin.
"Madaling araw nakasuot ng salamin? May problema siguro siya sa mata kaya hindi siya nag-aalis ng salamin."
Pinaandar ko ang sasakyan ko upang makapag-park ng maayos pagkatapos ay hinubad ko ang suot kong jacket at nagsuot na lang t-shirt.
"s**t! Baka makilala niya ako." Bumalik ako sa loob ng kotse para kunin ang eyeglasses ko pero nakita ko ang sumbrero ni Brix sa kotse ko kaya iyon na lang ang ginamit ko. Hindi ko gustong magsuot ng shade ng hindi naman mataas ang araw. Nakita ko ang babae na may kausap na babae kaya naman nilampasan ko siya. Balak kong sumakay sa bus na sasakyan niya para malaman ko kung saan siya nakatira.
Nang makita ko siyang sumakay sa bus na huminto sa kanya ay pinara ko rin ito. Hinanap ko saan siya nakaupo. Tulog na agad siya nang umupo ako kaya hindi niya namalayan na may katabi na siya sa upuan. Napansin kong nakasuot pa siya ng id kaya sinilip ko ang id niya. Ngunit nakatatakpan ang picture ng buhok niya kaya hindi ko nakita ang mukha niya sa halip ay ang address at pangalan lang niya ang nakita ko.
"Kahit if picture ayaw magpakita," bulong ko. Kinuhanan ko ng larawan ang address niya pagkatapos ay sinadandal ko ang likod sa upuan at tinakip ko ang sombrero sa mukha ko. Ayoko naman makilala niya ako.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hinihila na rin ako ng antok. Maaga kasi akong nagising para lang siya abangan. Hindi ko alam na nakatulog na ako.
Nakaramdam ako ng may kumalabit sa akin. At nang tumingin ako nakita ko ang babae na si Celestina. Nakatayo siya sa harapan ko at tinuro niya ang cellphone ko.
"Thank you," sagot ko.
Nang bumaba siya ay bumaba na rin ako. Hindi niya ako nakitang bumaba dahil dumirestso siya sa bakery.
"Taho! Taho kayo diyan!"
Lumapit ako sa nagtitinda ng taho at bumili ako ng taho. Nang maubos ko ito ay muli kong tiningnan si Celestina sa bakery pero wala na ito.
"Tinapay lang ang kakainin niya?"
Um-order ako online ng pagkain at pina-address ko sa kanya at pagkatapos ay sumakay ako ng bus pabalik. Balak ko sana siyang sundan hanggang sa bahay niya pero nawala siya paningin.
Nakasakay na ako sa kotse ko at pauwi na ako ng mansyon nang tumunog ang phone ko. Unknown number ang tumawag sa akin. Wala sana akong balak buksan ngunit naalala kong um-order ako ng pagkain online.
"Psh! Balak pa niyang ibalik sa akin ang pagkain," bulong ko pagkatapos kong makausap si Celestina.
Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang binabagtas ko ang daan pauwi ng mansyon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero mula ng halikan ko siya ay parang may nagtutulak sa akin na balikan siya.
"Jacob, saan ka galing?" tanong sa akin ni Mommy nang dumating ako.
Umupo ako sa sofa ng nakataas ang mga paa. Tinawag ko ang katulong ko para magdala ng kape.
"May pinuntahan lang ako."
"Psh! Saan ka ba pumupunta? Dapat inaasikaso mo ang mga negosyo mo."
"Mom, wala pa akong masyadong maalala tungkol sa negosyong pinapatakbo ko. Nahihirapan akong makipag-usap lalo na sa mga customer at investor ko dahil hindi ko alam kung anong nagpag-usapan namin noon."
"Kaya nga nandito ako para tulungan ka."
Hindi na ako umimik dahil dumating ang katulong at may dala siyang kape. Hinigop ko ito.
"Okay, gagawin ko na ang gusto mo."
"Magkakaroon ng meeting bukas sa JLD Manufacturing. Kailangan mong pumunta."
Huminga ako ng malalim. "Okay, kung 'yan ang gusto n'yo."
Tumayo si mommy na nakapameywang sa akin. "Kailangan mong bumalik sa dati dahil miss ka na ng mga anak mo."
Nakaramdam ako ng lungkot. "Miss ko na rin sila ngunit kapag nagkikita kami ay lagi nilang tinatanong ang mommy nila. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanila dahil patay na ang mommy nila.
"Okay, gagawin ko na." Muli kong hinigop ang kape ko.
"Good, mag-asikaso ka na dahil bibisitahin natin sila ang puntod ng asawa mo ngayon."
Tumango ako bilang tugon. Si Mommy naman at dumiretso na sa kusina para kumain ng almusal. Inubos ko ang kape ko saka sumunod sa kusina para kumain ng almusal.
Noong wala si mommy ay kung kani-kaninong bahay ako nakatira. Madalas akong nasa bahay nila Brix o kay Timothy. Hindi ako tumuloy dito sa bahay namin dahil nakakaramdam ako ng lungkot kaya kung minsan ay sina Brix ang dumadayo dito sa bahay para lang may kasama ako.
Bitbit ko ang bulaklak habang papunta kami sa puntod ng asawa ko. Nakaramdam ako ng lungkot nang ilagay ko ang bulaklak.
"Hays! Kung kailan masaya na kayo saka naman siya nawala," wika ni mommy.
Hindi ako umimik. Wala akong natatandaan pinagdaanan namin kaya hindi ko alam kung anong hirap ang pinagdaanan naming dalawa ng asawa ko.
"Jacob, hindi puwedeng habang buhay ay ganyan na lang ang gagawin mo. Kailangan mong asikasuhin ang mga anak mo."
Huminga ako ng malalim. "Siguro tama si Brix, kailangan kong maghanap ng bagong mommy ng mga anak ko."
Ang talim ng tingin sa akin ni mommy. "Anong sabi mo?"
"Maghahanap na ako ng bagong mommy ng mga anak ko." Unang pumasok sa isip ko ang babae na call center agent. Ngunit kailangan makita ko ng buo.
"Hindi ako papayag! Hindi mo kailangan ng asawa para gawin ang responsibilidad mo sa mga anak mo. Hindi ka ba nahihiya kay Laura? Nasa harap ka ng puntod niya habang sinasabi mo ang bagay na 'yan."
Tumingin ako sa puntod ng asawa ko. "Ang sabi nila mahal na mahal kita pero bakit wala akong nararamdaman lungkot ngayon? Bakit ganito ang nararamdaman ko pakiramdam ko hindi ako dapat malungkot," bulong ko.
Ilang minuto pa kaming nanatili ni mommy doon hanggang sa maisipan niyang umuwi. Pagdating namin sa bahay ay naroon na si Brix at Trixie.
"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kami naghihintay sa inyo?" pabirong sabi ni Brix. Tinapik niya ang balikat ko pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.
"Tita, may dala po kaming pagkain," sagot ni Trixie.
"Ang asawa ko ang naluto ng bake macaroni kaya nagdala kami rito. Sana magustuhan n'yo dahil sobrang sarap ng luto ng asawa ko." Sabay halik ni Brix sa asawa niya.
"Punta lang ako sa kuwarto ko para magbihis."
"Bilisan mo dahil kailangan natin pagplanuhan ang birthday mo," wika ni Brix.
Huminto ako at sabay kunot ng noo ko. "Hindi ako maghahanda sa birthday ko," inis kong sabi.
"Jacob, dalawang taon na rin mula nang huli kang nag-celebrate ng birthday mo," sagot ni Mommy.
"Ako ng bahala sa mga bisita mo," sabi ni Brix.
Umiling ako. "Kayo na ang bahala sa gusto n'yong gawin." Tumalikod ako at bumalik sa kuwarto ko.
Sa tuwing papasok ako sa kuwarto ay hindi puwedeng hindi ako tumingin sa wedding picture namin ni Laura. Ang sarap kasing titigan ng mukha niya na parang nararamdaman ko kung gaano ako kasaya ng kinasal kami. Nang makapagbihis ako ng damit ay natulog ako. Hindi ako lumabas kahit tinatawag ako ni Brix. Gusto kong matulog dahil mamayang gabi ay may pupuntahan ako.
Alas-sais na ako ng hapon nagising. Dumiretso na agad ako sa para maligo dahil aalis ako mamaya. Ngunit nang pababa na ako ng hagdan ay nakita ko si Timothy at Brix na umiinom. May kasama silang dalawang babae at umiinom rin. Nang makita nila ako ay ngumiti sila.
"Mabuti naman ang nagising ka na. Kanina ka pa namin ginigising, "wika ni Timothy.
"Why?"
Tumayo si Brix at sapilitan niya akong pinaupo. "Umupo ka nga! Ikaw na nga ang dinadayo pakipot ka pa," wika ni Brix.
Tumayo ang dalawang at pinagitnaan nila ako sabay yakap sa akin.
"Kilala mo pa ba ako?" sabi ng isang babae.
Matalim ko siyang tinitigan. "Who the hell are you?"
"Ako 'to si Raiza Madrid, your college friend mo."
"So?"
"Nabalitaan kong biyudo ka na raw kaya siguro naman ay puwede na tayong dalawa?"
"Hoy! Nandito pa ako 'wag kang masyadong magulang," sagot naman ng isang babae.
Nagulat ako dahil bigla itong umupo sa kandungan ko saka dinilaan ang leeg ko. "Ako si Lotty, wala tayong nakaraan pero puwede naman tayong magkaroon ng future." Kumindat pa siya.
Matalim kong tinitigan sina Timothy. "Kayo ang may pakana nito."
Tumawa silang dalawa sabay tungga ng alak. "Para naman bumalik ka na dati para kang laging wala sa sarili," sagot ni Timothy.
"Hindi ako naghahanap ng babae kaya tigilan n'yo ako," inis kong sagot.
"Jacob, bigyan mo naman ng chance ang sarili mong maging masaya ulit. Nandito ako para tulungan kita sa gusto mo." mo naman ang pagkakataon ang sarili mo na maging masaya. Lumalaki ang mga anak mo na walang ina. Nandito ako para maging nanay ng mga anak mo," wika ni Raiza.
"Hoy! Nandito pa ako," sagot ni Lotty.
"Timothy, palayasin mo na nga ang babae na 'to! Saan mo ba ito dinampot?!" Inis na sabi ni Raiza.
Tumayo si Timothy at sinamahan si Lotty na lumabas.
"Ano ba 'yan hindi pa nga ako nakakagawa ng move ko," wika ni Lotty.
Ininom ko ang alak na binigay sa akin ni Brix.
Tumayo ako. "I have to go!"
"Saan ka pupunta?" wika ni Raiza
"May pupuntahan akong mas importante kaysa dito," sagot ko.
"Jacob!" tawag ni Raiza.
Matalim kong tinitigan si Raiza. "Hindi ako naghahanap ng babae na papalit sa asawa ko! Wala akong maalala pero alam kong siya lang ang mahal ko." Sabay talikod ko sa kanila.
"f**k! What happened to me?" bulong ko habang nakasubsob ako sa manibela. Nandito ako sa isang parking lot ng isa sa mga naging business partner ko noon.
Kanilang ay hindi tumanggi ako sa nirereto sa aking babae ni Brix at Timothy, pero ngayon nandito ako sa isang bpo company para puntahan ang babae na si Celestina. May nagtutulak kasi sa akin na puntahan ko siya ngayon.
"Bahala na!" Lumabas ako ng sasakyan para pumasok sa loob ng kumpanya. Pinapasok naman agad ako ng sabihin ko ang pangalan ng may ari ng BPO na ito.
"Sir Delmonte, anong maipaglilingkod namin sa iyo?" tanong ng supervisor na si France Tenor.
"May hinahanap ako ang babae na dito nagtatrabaho."
"Anong pangalan sir?"
"Celestina ang nickname niya sa id."
"Marami kaming empleyado na Celestina. Anong apelyido at bakit n'yo po hinahanap?"
"May ginawa siyang mabuti sa kumpanya ko gusto ko lang na personal na magpasalamat."
"Mahirap hanapin kung nickname lang ang alam n'yo."
"Bagong empleyado pa lang siya."
Tumango ang visor. "Wala na siya dito inilipat na siya sa ibang lugar."
Kumunot ang noo ko. "Why?"
"Bagong pasok pa lang ay nagkaroon na siya ng isyu. Pumatol sa may asawa at nireklamo siya sa Hr kaya inilapat siya."
Nakaramdam ako ng inis. Ang buong akala ko ay matinong babae siya. Tumayo ako. "Salamat sa tulong." Sabay talikod ko.
Nagsayang lang ako ng oras para sundan siya. Hindi pala siya matinong babae.
"Mabuti na lang at maaga kong nalaman ang ugali niya."