MAY isang oras nang nakaluklok si Natalya sa harap ng office table niya. Hindi pa niya natatapos basahin ang nilalaman ng mga papeles na kailangan niyang ma-review at hindi na niya iyon nagawang basahin nang may kung anong mga walang kuwentang hakahaka ang pumapasok sa balintataw niya. Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang huli niyang nakasama ang bampirang si Erron, at ang gabing nawalan siya ng pinakamahalagang bahagi ng kanyang p********e. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nagawa. Naging mahina siya. Nagsisi siya noong una pero wala naman siyang magawa, tapos na. Naibsan ang pagkabahala niya nang masiguro na malabo siyang mabubuntis. Kontrolado ni Erron ang pangyayari. Katunayan, dahil sa nangyari ay gumaan ang loob niya kay Erron. Hindi niya maintindihan kung bakit. D