NAWINDANG si Erron nang makita niya si Natalya sa ospital kasama si Trivor. Kasama ang mga ito ng mga pulis na kinukuhaan ng pahayag ang staff ng ospital hinggil sa namatay na namang nurse na babae. Kararating lamang nila roon ang sampung taong gulang na batang lalaki, si Devey na anak ni Dario upang ihatid ito kay Martina. May isang linggo na ring hindi niya nakikita ang dalaga matapos silang magkita noon sa resort niya. Kagagaling lang nila sa scool ni Devey. Tulad ng pinapautos ni Dario, siya muna ang maghahatid-sundo kay Devey sa school dahil nagbakasyon ang driver at bodyguard ng bata. Pagkahatid niya kay Devey sa ina nito ay nagmadali siyang umalis at sinundan si Natalya at Trivor kung saan niya huling nakita ang mga ito. Alam niya magkasama sa trabaho ang dalawa, pero ang alam niy