Nasa kabilang room ng hotel kung saan nila ginawa ang bachelor's party sina Gail, Dinky at Lindsey. Halos idikit nila ang mga tainga sa pader upang marinig ang ginagawa ng kani-kanilang partners sa kabilang room. "Are you sure na hindi maa-aattempt si Drew?" bulalas ni Dinky kay Gail. "Gaga, this is your idea, pati asawa ko dinamay mo!" inis ni Gail nang mapagtantong baka maakit ang mga partners nila sa babaeng nilagay nila sa box. Nang mapansin nila si Lindsey na tila relax lang ito sa kinatatayuan nito. "Hindi ka ba nag-aalala na baka maakit si Chris?" untag ni Gail dito. Ngumiti ito ng matamis. "Hindi 'yon for sure, takot niya lang kay kuya," saad ni Lindsey sa kapatid na siyang talagang kaibigan ni Liam. "Pinasama ko siya para hindi makagawa ng kasalanan si Chris," kalmadong turan