Naging puspusan ang pagsasaayos para sa kasal nina Drew at Dinky. As usual, kahit malaki na ang tiyan ni Lindsey ay maliksi pa rin ito upang tumulong sa paghahanda lalo na sa gown at sa magiging make-up ni Dinky. "Gosh! Girl, we have a little bit alteration for your gown, mabuti na lang talaga at sinukat mo itong damit gown mo. Aba, mukhang kinarer mo yatang mag-diet," masayang turan kay Dinky na tuwang-tuwa naman sa nagawang pagbabawas pa ng timbang. "Of course at hindi lang diet ang ginawa ko dahil sinamahan ko rin ng exercise," proud na wika ni Dinky. "Well, sabi ko naman sa 'yo na disiplina lang sa sarili ang kailangan mo, bakz, kailangan pa bang hintayin mong maghanap ng iba si Drew bago ka kumilos," bulalas na turan ni Gail sa kaibigan. "Wow! Ngayon mo pa ako sesermunan ng ganyan