Maingay at maraming tao, halos hindi magkandamayaw ang lahat sa pagsasaayos ng kasal nina Drew at Dinky. "Inay, huminga ka nga muna, ikakasal lang si Dinky, okay," awat ni Demi sa ina na noon ay dumating para sa kasal ng nag-iisang kapatid. "Pero anak, alam mo naman—" putol pang turan nito nang tuluyang itaas ang dalawang kamay. "Hep! Huwag ka nang mangatwiran, inay, kaya nga may wedding organizer para sila na ang gumawa ng lahat," awat muli ni Demi, magsasalita pa sana si Aling Minda ngunit hindi na nakaimik pa. "Relax at mag-enjoy ka lang diyan, tignan mo ang make-up mo, pumangit ka tuloy," hirit ni Demi na kitang naging concern ang ina sa hitsure nito kaya agad na tumingin sa katabi nitong si Aling Lourdes. "Tama si Demi, hayaan mo na sila, upang sila na ang umayos sa lahat. Teka, w