Damzel SUMAPIT ANG KABUWANAN KO. Pansamantala na munang nag-leave si King sa trabaho niya. Yes, he is starting to work at the Betha Organization. Nakapasok kaagad siya pagkauwi namin noon mula sa honeymoon. Sa ngayon ay dito pa rin kami nakatira sa mansion nila Mommy and Dad dahil sinisimulan pa lang ang construction ng bahay namin dyan lang sa kalapit na property. Napag-usapan din namin ng parents ko na hindi na kami magtatayo pa ng fence sa pagitan namin, lahat kaming magkakapatid kapag dumating na rin ang araw na bubuo na rin sila ng pamilya. Bale magiging compound na kami ditong lahat. At okay na okay naman 'yon sa aming magkakapatid. Okay din kay King. Kapag sama-sama kasi ang buong pamilya ay mas masaya. Ayaw ko rin namang mawalay sa pamilya ko, at gusto ko habang lumalaki ang mg