Damzel "Miss Damzel! Nandito na po si Kuya Rocco. Kuya Rocco nasaan na ba 'yong milk tea?" Bigla akong napakalas mula kay Batman. Nataranta rin akong bigla! "H-Hindi ka pwedeng makita ni Kuya Rocco. M-Magtago ka." Mabilis kong dinampot ang supot ng milk tea na nahulog na pala sa sahig! Kaagad kong hinila ang kamay niya at naghanap ng pwede niyang pagtaguan dito sa loob ng opisina ko. "Siguradong papasok dito si Kuya Rocco. Naghinala na 'yon." Napatitig naman akong bigla sa office table ko. "Come on. I got an idea." Kaagad ko siyang hinila patungo doon. "Kakasya ka naman siguro dito. Pagkasyahin mo na lang ang sarili mo." Kaagad kong hinila ang swivel chair ko palayo sa table at hinila siya payuko. Ngunit ayaw pa niyang sumunod at nanatili pa ring nakatitig sa akin! "Come on! Pareho