Damzel KASALUKUYAN na kami ngayong bumibyahe patungo sa office ko sa Angono Rizal. Karatig lang din nito ang VitaMedics Lab at ang opisina nila Dad at ng mga kapatid ko. Natatanaw ko ang mga gamit nilang kotse sa likuran namin. Nasa unahan naman namin ang kotse ni Damiel. Imbes na dalawa lang ay naging apat na ngayon ang bodyguard ko. Two in front and two behind me. Tsk. Mas lalo na ako ngayong nahirapan. Paano pa kaya ako makakatakas sa mga 'to? Napabuga na lamang ako ng malakas na hangin. Hindi rin nagtagal ay pumasok na ang kotse namin sa property nitong VM. Katabi lang din nito ang isa sa pag-aari naming hospital dito sa Angono. Kuya Inigo stopped the car in front of its entrance. Kuya Rocco and two others came down and opened the door for me. Hindi nila ako gaanong kinakausap ng