CHAPTER 47: CCTV Camera Sabotage

2389 Words

Damzel Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako dito nang mahihinang katok. Segundo lang ay kaagad din itong bumukas at pumasok si Mommy na may bitbit na isang tray. Naglalaman ito ng mga pagkain. Ako naman ay kasalukuyan nang nakahiga sa kama. Nakaligo na ako at nakasuot na rin ng pajama. Ngumiti si Mommy habang lumalapit sa akin. "Kumain ka na muna bago ka matulog." Bumangon ako at umayos nang pagkakasandal sa headboard ng kama. "Wala akong ganang kumain, Mommy." "Pilitin mo kahit kaunti lang. Gusto mo bang subuan kita?" Ibinaba niya ang mga paa ng tray at inilapag ito sa harapan ko. "Kaya ko na po, Mommy." Napatitig siya sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Hindi ako sanay na makitang namumugto ang mga mata mo." Muli naman akong napahikbi, na hindi ko mapigilan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD