Damzel "Woohoo!! I'm flying!! Whoaaa!! I'm flying!!" Wala akong tigil sa kasisigaw habang nakataas ang isang kamay sa ere at sinasalubong ang malakas na hangin ng gabi. Nakayakap naman ng mahigpit ang isa kong braso sa baywang ng batman na ito upang hindi ako mahulog dito sa likuran niya! Kasalukuyan pa rin niya itong pinatatakbo ng mabilis dito sa kahabaan ng highway, pero ngayon ay wala na akong maramdaman na kahit anong takot. Nasanay na kaagad ako at nag-i-enjoy na kaagad ako. Ganito pala ang pakiramdam na sakay ng motorsiklo. It feels like I'm in the air and damn flying! The touch of the wind on my face and skin felt so good. Pinanatili ko na lang kasing nakabukas ang salamin sa mukha nitong helmet. Nailigaw na rin namin sila Kuya Rocco at Kuya Inigo. Mas masarap din pala sa pakir