Damzel KINABUKASAN ay balik-trabaho na akong muli. Ngunit bago ako umalis ng bahay ay sumalubong muna sa amin sa gate ang mga magulang ni Zion, pero wala silang kasama ngayong mga pulis. "Tita, Tito..." Kaagad na humagulgol sa harapan ko si Tita Zita. Mababakas naman ang galit at hinanakit sa anyo ni Tito Nolan habang nakatitig sa akin. "Bakit naman ganun ang ginawa niyo sa anak namin? Sana ay hindi niyo na lang siya binuhay pa." "Tito, hindi ko po alam--" "Mr. Vergara. Napadpad kayo sa lugar ko." Bigla akong napalingon kay Dad na nasa likuran ko na rin pala, kasama si Mommy. "Ayon kay Penelope ay nagtungo itong si Damzel sa condo unit ni Zion na may dalang isang box ng cake. Naroroon din daw siya noong araw na 'yon para batiin si Zion dahil mag-bestfriend sila. Pero bigla na lam