Damzel HAPON na pero wala talaga akong natanggap na anumang tawag o text man lang mula kay King. He is still not answering my calls till now. Hindi naman sa iniistorbo ko na siya, pero nag-aalala lang talaga ako sa kanya. Ilang oras na akong hindi mapalagay. Alam ko kasing mabigat at masyadong delikado ang estado niya ngayon. Mayroon siyang mga hinahabol na mga taong siyang dahilan sa pagkamatay ng kanyang ama. Hinahabol din siya ng mga tao ni Dad at siyempre, dumagdag na rin ang pamilya ni Zion. At paano kung hinahanap na rin siya ngayon ng mga pulis dahil sa ginawa niya sa driver ng kotse na nagtangkang bumangga sa amin? "Hayst! Bakit kasi ayaw mong magparamdam? Ni hindi ko alam kung nabasa mo ba ang text ko!" Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako doon nang sunod-sunod na katok.