Damzel BAGO KAMI DUMATING ng bahay ay inayos ko nang muli ang sarili ko. Half past six na ngayon ng gabi at madilim na ang buong paligid. Pagdating namin sa gate ay kaagad na bumusina si King. Kinakabahan pa rin ako na makaharap si Dad kahit nasabi na sa akin ni King na nagkasundo na sila at kinuha nga siya nito bilang personal bodyguard ko. Kaagad din namang bumukas ang gate ng mansion namin at dire-diretsong ipinasok ni King ang kotse namin sa loob. Dinala niya ito hanggang sa harapan ng front door. Naririto naman sa paligid ang ilan pa naming security guard. Nauna nang lumabas ng pinto si King at pinagbuksan naman ako. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na rin ng kotse. Napatingala ako sa second-floor ng mansion namin. Naroroon ngayon si Dad at nakatanaw sa amin. "I'll take you insid