Damzel NAPABUGA na lamang ako ng malakas na hangin habang nakatitig sa hospital na nasa harapan namin ngayon. Ano naman kayang ginagawa ni King sa loob niyan? Sinusundan lang ba niya ako o may pinaplano siyang gawin kay Zion? I immediately took out my phone from my bag. We are currently in the car. Sinimulan na rin itong paandarin ngayon ni Kuya Inigo paalis. Gusto ko sanang tawagan ang numero ni King pero maririnig ako ng mga bodyguard ko, kaya text na lamang ang ginawa ko. 'Why are you in that place? May pinaplano ka bang masama kay Zion?' I immediately sent it to him. I waited a few moments for his answer. Nakatanggap naman ako ng voice message mula sa kanya. s**t. Paano ko ito pakikinggan? Inilagay ko na lamang sa pinakamahinang volume ang phone ko, bago ko idinikit sa tainga