THIRD PERSON POV TANGING MGA UNGOL at pag-igik ang maririnig mula kay Zion sa kalaliman ng gabi mula sa loob ng isang abandonadong gusali. Patuloy itong nakakatikim ngayon nang malalakas na suntok sa mukha mula sa kamao ni Mr. Damien Delavega. Hawak naman si Zion ng ilan sa mga tao nito mula sa likuran kaya't hindi makalaban ang binata. Umaagos na ang mga dugo nito mula sa ilong, gilid ng labi at namumutok na nitong kilay. Puno na rin ng pasa ang kaliwa nitong pisngi. Lupaypay na ang ulo nito nang tigilan ni Mr. Damien Delavega. Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok nito at itinunghay sa kanya. "Be grateful. I still have mercy on you. Pero huwag na huwag mo nang ipapakita pa sa akin o kahit sa pamilya ko 'yang pagmumukha mo. Huwag na huwag mo nang tatangkain pang lapitan ang anak ko ...