Damzel BUONG MAGDAMAG na akong tulala sa phone ko. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na kahit anong text o tawag mula kay King. Kasalukuyan na ako ngayong naririto sa kama ko. At alas onse na ngayon ng gabi. Hindi pa rin naman ako dalawin ng antok. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mukha ni King, lalong-lalo na 'yong mga yakap at halik niya sa akin. Pakiramdam ko nga ay hinahalikan pa rin niya ako hanggang ngayon. Tsk. Nababaliw na yata ako. Hindi naman siya ang first kiss ko, no. Lalong hindi si Zion. Alam niyo ba kung sino ang first kiss ko? Ang walanghiya kong pinsan. Si Tyrone. Oo, siya nga. And that happened right before my birthday. Twenty years ago. Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon kahit twenty-four na ako ngayon. Kasi nga siya ang first kiss ko. Na