Damzel ILANG ORAS nang mabilis ang t***k ng puso ko habang hinaharap ang mga grade 1 students dito sa school ng San Vicente. Hanggang sa mga sandaling ito kasi ay naririyan lang sa paligid si Batman at nagmamasid lang sa akin. Nakasuot naman siya ngayon ng lumang pantalon na kupas at may punit-punit pa sa ilang parte. Ang pang-itaas naman niya ay cotton long sleeve t-shirt na red na karaniwang sinusuot ng mga karaniwang manggagawa. Pero bakas na bakas naman dito ang kakisigan niya. Mukha ngang may itinatago pa siyang abs sa tiyan niya. At kahit medyo madumi siya ay hindi pa rin talaga maikakaila ang taglay niyang ka-gwapuhan. Ilang teachers ang nahuli kong tumititig sa kanya at pinagbubulungan siya. Bakas sa kanila ang kilig. May ilan pa ngang lumapit sa kanya at kinausap siya. Nagt