Damzel SINIMULAN na nga akong ligawan ni King. Araw-araw siyang may pabulaklak at chocolate sa akin. Bodyguard ko na siya, manliligaw pa. Nakapagpaalam na rin siya sa parents ko at pinayagan naman na siya. Nakakapag-date na rin kami ngayon kahit saan namin gusto. Ilang beses na rin kaming nakabalik sa house ng family niya. Nakapag-overnight na rin kami doon ng ilang beses at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na naming nalasap ang ligaya na dulot nang pagmamahalan naming dalawa. Hindi pa man namin pormal na inaamin sa parents ko na kami na talaga, feeling ko ay nahahalata na rin nila. Okay na okay naman sa kanila si King. Hindi ko na rin nararamdaman pa ang mga tsismoso naming bodyguard sa paligid namin. Mukhang hindi na kami sinusundan ngayon nila Kuya Rocco at Kuya Inigo. Sa