Damzel "Ako na ang magdadala." Kaagad kong inilayo sa kanya ang bag ko nang tinangka niya itong kunin sa akin. Naririto na kami ngayon sa mansion at kabababa lamang ng kotse. Kaagad ko na rin siyang tinalikuran at tuloy-tuloy na pumasok ng mansion. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Sumalubong kaagad sa akin si Mommy. "Hello, baby. Maaga yata kayo ngayon?" Humalik siya sa pisngi ko at ganun din ako sa kanya. "Pagod lang, Mommy. Gusto ko po munang magpahinga." Kaagad ko na rin siyang tinalikuran at tinungo ang hagdan. "Dadalhan kita ng merienda, 'nak." "Matutulog po ako, Mommy." "Nasa golf course ang daddy mo." Hindi ko na siya pinansin. Sanay siya na palagi kong hinahanap sa kanya si Daddy ng maraming beses sa isang araw. Pero masama talaga ang pakira