HUGO POV. NAKITA ko kung gaano kasaya si Alexia. Kahit sa pinakamaliit na bagay, marunong siyang magpasalamat at magpahalaga. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara siya kay Cindy… isang babaeng tila walang kakayahang makuntento. Sobrang materialistik. Kaya pala ayaw na ayaw ni Papa sa kanya. Ngayon, halos gusto ko pang magpasalamat na naging kabit ng ama ni Alexia si Cindy. Doon ko tuluyang nakilala ang tunay niyang pagkatao. Kapag naiisip ko kung gaano kalaki ang pagmamahal, pagpapahalaga, at respeto na ibinigay ko sa kanya, nakakaramdam ako ng matinding pandidiri. Hindi ko maimagine ang lahat ng ginawa niya. Habang mag-asawa pala kami, ang dami kong kahati… iba’t ibang lalaki. Ngayon ko lang din lubusang naunawaan kung bakit niya ipinalaglag ang dinadala niyang bata noon. Sapagkat anak iy

