ALEXIA POV. AKALA yata ni Mr. Hugo Nick na ipapakita kong nasasaktan ako sa ginagawa niya. Kahit mahal ko siya, hindi ako iiyak, at hindi ko susugurin ang babae niya… hinding-hindi ko ‘yon gagawin. Hindi ako ang tipo ng babae na nagpapalugmok sa galit o selos ng lalaki. Anuman ang gawin niya, hinding-hindi ko ibababa o sisirain ang imahe ko… para ipahiya sa iba ang sarili ko. Hindi ako si Alexia Montero na gagawa ng iskandalo at siya pa rin ang mapapahiya. Oo, masasaktan ako. Oo, maaaring umiyak ako. Pero hanggang doon lang ‘yon. Katatapos lang ng ikalawang araw ng conference, at tila walang balak si Mr. Hugo Nick na umuwi ng Pilipinas. Dapat sana’y sinabi niya sa amin kung anong oras aalis ang eroplano, para may oras pa kaming mamasyal. At kahit gusto kong tanungin kung kailan kami ba

