HUGO POV. KAILANGAN kong magtungo sa ibang bansa para sa tatlong araw na conference. Ayaw ko sana, ngunit nakiusap si Papa. Mas mabuti raw na ako ang dumalo upang makilala na rin ako ng lahat. Asian Allied Business Conference, ang gaganapin, at halos lahat ng nasa business industry ay nandoon. Ngunit ang tunay na nagbigay-saya sa akin ay nang malamang pinakiusapan ni Papa si Alexia na samahan ako. Siya ang tatayo bilang vice-president. Kasama rin namin ang kapatid kong si Argus Emanuel. Nagpasya akong isama si Gezelle upang magkaroon siya ng ideya tungkol sa negosyo. Hindi man siya nakapagtapos, mag-aaral naman siya ng business at kukuha si Papa ng tutor para sa kanya. Oras na ng pag-alis, ngunit hindi negosyo ang laman ng isip ko… kundi si Alexia. Lihim nang gumagawa ng plano ang isipa

